Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ikaw ay Karapat-dapat.Halimbawa

You Are Worth It.

ARAW 4 NG 5

Ikaw ay Ginawang Kahanga-hangang Tunay. 

“Pinupuri kita, O Diyos, marapat kang katakutan, ang lahat ng gawain mo ay kahanga-hangang tunay; sa loob ng aking puso, lahat ito'y nakikintal.” Mga Awit‬ ‭139:14‬ ‭RTPV05‬‬

Ayon sa Strong’s Concordance, ang salitang Hebreo para sa, “Kahanga-hanga” ay, ‘pālâ’ (H6395) na ang ibig sabihin ay, “Maitangi, isang pagkakaiba, ipakitang kagilagilalas, ibukod, ihiwalay, ialis, gawin sa paraang kagilagilalas” 

Ikaw ay ihiniwalay ng Diyos. Sa pamamagitan ng pag-aalay ng Dugo ni Jesu-Cristo, inialis Niya sa'yo ang mantsa ng kasalanan. Sa pamamagitan ng Kanyang Dugo, minarkahan Ka Niya bilang sariling Kanya. Ikaw ay naiiba. Piliing lumakad sa kakaibang paraan. Piliing lumakad sa Ilaw ni Cristo. Piliing isalamin ang Ilaw ni Cristo. 

Mahal na mahal ka ng Diyos kaya't minarkahan Ka Niya bilang sariling Kanya. Ikaw ay ihinugis nang masalimuot at kahanga-hangang tunay ng Kamay ng Diyos. Ikaw ay Tatak ng Daliri ng Diyos dito sa Daigdig, kaya't piliing isalamin ang Puso Niya. 

Iayon ang sarili mo sa Kanyang Salita. Iayon ang sarili mo sa Kanyang Puso. Dahil ikaw ay ginawang kahanga-hangang tunay ng Kamay at Puso ng Diyos. 

Ikaw ay walang katulad. Labis ang pagmamalasakit sa'yo ng Diyos na idinideklara sa atin ng Mateo 10:30-31‬ RTPV05 ang, “At kayo, maging ang buhok ninyo'y bilang niyang lahat. Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa maraming maya.” 

Nagmamalasakit ang Diyos ukol sa bawat aspeto ng iyong buhay, pati tungkol sa mga buhok sa iyong ulo. Nagmamalasakit ang Diyos sa'yo; Nagmamalasakit Siya sa mga detalye.

Tungkol sa Gabay na ito

You Are Worth It.

Pinangungunahan ni Vance K. Jackson ang mga mambabasa sa makahulugang, nakakapagbago-ng-pusong debosyonal na ito. Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay Niya ang Kanyang Anak bilang Pinakasukdulang Sakripisyo. Sadyang napakainit ng Pag-ibig ng Diyos sa'yo. Ang Pag-ibig Niya ay mas malalim pa kaysa kayang maipahiwatig ng mga salita. Binalot ng Diyos ang Kanyang sarili sa laman at namatay para sa'yo. Si Jesu-Cristo ay namatay para sa'yo. Anuman ang kasalanan. Gaano man ang bigat. Anuman ang pasanin. Namatay si Cristo upang mapalaya ka.

More

Nais naming pasalamatan si Vance K. Jackson sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.VanceKJackson.com