Ikaw ay Karapat-dapat.Halimbawa

Ikaw ay Karapat-dapat.
“Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay niya ang kanyang kaisa-isang Anak, upang ang sinumang sumampalataya sa kanya ay hindi mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.” Juan 3:16 RTPV05
Sadyang napakainit ng Pag-ibig ng Diyos sa'yo. Ang Pag-ibig Niya ay mas malalim pa kaysa kayang maipahiwatig ng mga salita. Ang Pag-ibig Niya ay mas malawak kaysa sa mga salita. Ang totoo nito'y binalot ng Diyos ang Kanyang sarili sa laman at namatay para sa'yo. Si Jesu-Cristo ay namatay para sa'yo. Anuman ang kasalanan. Gaano man ang bigat. Anuman ang pasanin. Si Cristo, Diyos na nakibahagi sa laman ay namatay upang ikaw ay mabuhay. Si Cristo ay namatay upang mapalaya ka..
Hindi nagkasala si Cristo ngunit namatay Siya ng kamatayan ng makasalanan. Si Cristo ay namatay para sa'yo. Pinasan Niya ang iyong kahihiyan. Pinasan Niya ang iyong pagkakasala. Pinasan Niya ang iyong pagkatalo. Tinalo Niya ang kasalanan at pinawalang-bisa ang hatol laban sa atin nang ipako Siya sa krus.
Ang Dugo ni Jesu-Cristo ang naglilinis sa'yo sa lahat ng kasalanan. Ang Dugo Niya ang naglilinis sa'yo. Ang Dugo Niya ang nagpapagaling sa'yo. Sa pamamagitan ng Dugo ni Jesu-Cristo kung kaya ikaw ay naipagkakasundo muli sa Diyos Ama. Ang Dugo ni Cristo ang nag-aalis ng mantsa at kahihiyan ng kasalanan ng nakaraan at nagpapawalang-sala sa'yo sa harapan ng Diyos.
Walang makapaghihiwalay sa'yo sa Pag-ibig at Dugo ni Jesu-Cristo. Sa pamamagitan ng pag-aalay ng Dugo ni Jesu-Cristo, ang iyong buhay ay pinaninibago at pinanunumbalik. Tanging sa pamamagitan ni Jesu-Cristo tayo napapalitan na ng bago.
Sa Kanya, isa ka nang bagong tao. Kay Cristo, isa ka nang bagong nilalang. Sa pamamagitan ng pag-aalay ng Kanyang Dugo, ang iyong buhay ay ganap na nababago. Kay Cristo, ang dating pagkatao ay namamatay at napapalitan na ng bago. Ang Pag-ibig ng Diyos ay umaabot nang lampas pa sa paghihirap ng iyong nakaraan at ginagawa kang bago.
Kung hindi mo pa tinatanggap si Jesu-Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas, bigkasin ang simpleng panalangin na ito:
Diyos Ama, sa pangalan ni Jesus, nagsisisi ako sa aking mga kasalanan at nagbabalik-loob sa Iyo.
Ama, tinatanggap ko ang Iyong Anak, na si Jesu-Cristo, bilang aking Panginoon at Tagapagligtas. Naniniwala akong si Jesu-Cristo ay namatay para sa akin.
Naniniwala akong ang Dugo Niya ang naglilinis sa akin sa lahat ng aking mga kasalanan.
Ama, sa Iyo, mapapalaya ako. Ama, sa pamamagitan ng Dugo ng Iyong Anak, ang aking nakaraan ay nakalipas na at ang aking hinaharap ay kapana-panabik.
Ama, Sa Iyo, isang bagong tao na ako. Ama, Sa Iyo, kumpleto ako. Ama, Sa Iyo, buo ako. Ama, Sa Iyo, pinaninibago ako.
Ama, isinusuko ko ang bawat bahagi ng buhay ko sa Iyo, ngayon at magpakailanman.
Sa pangalan ni Jesus. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Pinangungunahan ni Vance K. Jackson ang mga mambabasa sa makahulugang, nakakapagbago-ng-pusong debosyonal na ito. Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay Niya ang Kanyang Anak bilang Pinakasukdulang Sakripisyo. Sadyang napakainit ng Pag-ibig ng Diyos sa'yo. Ang Pag-ibig Niya ay mas malalim pa kaysa kayang maipahiwatig ng mga salita. Binalot ng Diyos ang Kanyang sarili sa laman at namatay para sa'yo. Si Jesu-Cristo ay namatay para sa'yo. Anuman ang kasalanan. Gaano man ang bigat. Anuman ang pasanin. Namatay si Cristo upang mapalaya ka.
More
Mga Kaugnay na Gabay

Prayer

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Mag One-on-One with God

Nilikha Tayo in His Image

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

Ang Kwento ng Naglayas na Anak

Masayahin ang ating Panginoon

Ang Kahariang Bali-baliktad

Sa Paghihirap…
