Ikaw ay Karapat-dapat.Halimbawa

Hindi Na Hahatulang Maparusahan.
“Kaya nga, hindi na hahatulang maparusahan ang mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus.” Mga Taga-Roma 8:1 RTPV05
Kapag ikaw ay nakay Cristo, hindi ka na hahatulang maparusahan. Ang iyong nakaraan ay nakalipas na. Ang mantsa ng iyong kasalanan ay nalinis na. Sa pamamagitan ng Dugo ni Jesu-Cristo, inalis na sa'yo ng Diyos ang iyong mga kasalanan. Tinatakpan ka ng Dugo Niya. Nililinis ka ng Dugo Niya. Hinuhugasan ka ng Dugo Niya. Pinanaunumbalik ka sa katiwasayan ng Dugo Niya. Ginagawa kang buo ng Dugo Niya.
Pinapaliwanag sa atin nang ganito ang Mga Taga-Roma 8:1 sa salin na RTPV05, “KAYA NGA, hindi na hahatulang maparusahan (walang paghuhusgang nagkasala) ang mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus.” Iayon ang iyong mga pamamaraan kay Cristo. Lumakad nang tulad ni Cristo. Mamuhay nang may pagsunod sa mga kautusan ni Cristo na ating Hari.
Ang Kanyang Dugo ay mas mabagsik kaysa sa mantsa ng iyong kasalanan. Walang alinmang kasalanang makapaghihiwalay sa'yo sa Pag-ibig ng Diyos. Ang Kanyang Dugo ay mas makapangyarihan kaysa sa iyong nakaraan. Ang Kanyang Dugo ay nangungusap nang mas malakas kaysa sa'yong pagkakamali. Tinatakpan ka ng Dugo Niya. Hayaang pangunahan ka ng Dugo Niya. Sumuko kay Cristo, ang Haring Walang Hanggan, at piliing bitawan na ang nakaraan.
Si Cristo ay namatay upang ikaw ay mapalaya mula sa pagkaalipin sa kasalanan. Ikaw ay sulit sa kahihiyan ng krus. Ikaw ay sulit sa bawat hagupit. Ikaw ay sulit sa bawat bugbog. Ang iyong paghihirap ay hindi mas malakas kaysa sa kapangyarihan ng Kanyang Dugo. Ang Dugo ni Jesu-Cristo ay sinadyang para sa iyo.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Pinangungunahan ni Vance K. Jackson ang mga mambabasa sa makahulugang, nakakapagbago-ng-pusong debosyonal na ito. Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan, kaya't ibinigay Niya ang Kanyang Anak bilang Pinakasukdulang Sakripisyo. Sadyang napakainit ng Pag-ibig ng Diyos sa'yo. Ang Pag-ibig Niya ay mas malalim pa kaysa kayang maipahiwatig ng mga salita. Binalot ng Diyos ang Kanyang sarili sa laman at namatay para sa'yo. Si Jesu-Cristo ay namatay para sa'yo. Anuman ang kasalanan. Gaano man ang bigat. Anuman ang pasanin. Namatay si Cristo upang mapalaya ka.
More