Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kung Saan Nagiging Totoo ang PanalanginHalimbawa

Where Prayer Becomes Real

ARAW 4 NG 5

Ikaapat na araw

Pagdarasal Kapag Walang Kahatulan

Kapag natutuklasan natin na tayo ay pinatawad, mayroong isang hindi kapani-paniwalang kalayaan na umuusbong sa ating mga puso. Pakiramdam natin ay buhay tayo at pakiramdam natin ay malaya tayo. Ngunit madali tayong makaalis sa lugar na iyon at makatuklas ng bagong uri ng pagkaalipin. Natutuklasan ng marami sa atin na habang naniniwala tayo na pinatawad tayo ng Diyos, iniisip natin na hindi Siya natutuwa sa atin. Muli, ang pighati at kahihiyan ay lumalabas sa ating mga puso, at nahihirapan tayo sa takot at pagkabalisa habang hinahangad nating maging tapat. 

Mismong sa pagkakataong ito natin kailangang marinig ang sinasabi ng Mga Taga - Roma 8:1: "Kaya nga, hindi na hahatulang maparusahan ang mga taong nakipag-isa na kay Cristo Jesus." Walang kahatulan. Kung ang kaalaman sa pagpapatawad ay humahantong sa kalayaan, paano ang kaalamang wala nang kahatulan? Ngunit ang kalayaang ito ay humahantong sa isang bagay na hindi ayon sa ating inaasahan. Hindi ito kalayaang umalis at gawin ang anumang gusto natin. Hindi ito isang uri ng kalayaan na walang batas. Ito ay isang kalayaan na humahantong sa atin na maging tapat. 

Ipinapalagay ko na walang sinuman sa atin ang nagsisikap na maging hindi tapat sa ating mga panalangin, kahit na ang ating mga panalangin ay maaaring hindi nga tapat. Nakikita natin ang ating kasalanan, ang ating pagrerebelde, ang ating pagkasira at ang ating pakikibaka, at hindi natin pinapangalanan ang katotohanan nito, ngunit hinihiling lamang natin sa Diyos na alisin ito o ayusin ito. Kapag nakita natin ang ating kasalanan, humihingi tayo ng tawad, umaasang kung ipapakita natin sa Diyos kung gaano tayo katapat, marahil ay tatanggapin Niya ang ating paghingi ng tawad. Nakalimutan natin na wala na ngayong paghatol para sa mga na kay Cristo Jesus, at sa halip na tanggapin iyon at dalhin ang katotohanan ng ating sarili sa Kanya, nagtatago tayo mula sa Kanyang liwanag na nakasisilaw sa pamamagitan ng paninisi sa ating sarili. 

Ang tanging paraan para talagang maniwala – hanggang sa ating kaloob-looban – na walang paghatol kay Cristo Jesus, ay ang dalhin ang lahat na nagpapadama sa atin ng kahatulan sa harap Niya at ilagay ito sa Kanyang paanan. Hindi natin basta-basta mapapagtibay ang mga katotohanang tulad nito, kailangan nating subukan ang mga ito. Kailangan nating subukan kung talagang naniniwala tayo na ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya kay Cristo. Kailangan nating subukan kung walang kahatulan. Sinusubukan natin upang makita kung naniniwala tayo sa mga bagay na ito sa pamamagitan ng pagdadala ng kabuuan ng ating sarili sa Diyos. 

Saan ka nahihirapang dalhin ang katotohanan sa Diyos? Ano ang nahihirapan kang paniwalaan na matatanggap ng Diyos mula sa iyo? Ito ba ay ang iyong galit, pagnanasa, inggit o marahil ang iyong pakiramdam ng karumihan, pagkondena o takot? Ano ang magiging anyo ng makita mong si Jesus ay nananalangin para sa iyo, hindi sa nakaraan, kundi sa kasalukuyan habang nararanasan mo ang mga bagay na ito? 

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Where Prayer Becomes Real

Minsan, ang panalangin ay parang malungkot. Madalas, sa panalangin, sinusubukan kong panatagin ang aking puso at kaluluwa, ngunit ang isipan ko ay tumatakbong paroo't parito. Minsan, nakakatulog ako. May mga pagkakataon na ang mga panalangin ko ay parang tumatalbog lang sa kisame. Ngunit ang madalas nating hindi nakikita ay na may magandang balita na iniaalok ang Panginoon sa mga sandaling ito. Maglaan tayo ng oras upang pagnilayan ang magandang balita tungkol sa panalangin.

More

Nais naming pasalamtan ang Baker Publishing sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://bakerbookhouse.com/products/235866