Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kung Saan Nagiging Totoo ang PanalanginHalimbawa

Where Prayer Becomes Real

ARAW 1 NG 5

Unang Araw

Pagdinig ng Magandang Balita ng Panalangin

Kapag binabalik-tanaw ko ang aking karanasan sa pananalangin, madalas itong naging lugar ng pagganap. Sa isang punto, naging paniniwala ko na ang nais ng Diyos mula sa akin ay maging magaling sa panalangin. Kaya, kapag ako ay nabibigo – kapag ang aking isipan ay gumala -gala o ako ay nakakatulog – nakakosensya ako dahil hindi ako mas magaling, at nakakaramdam ako ng kaunting hiya sa aking sarili. 

Sa mismong mga paghihirap nating kailangang matutunan ang magandang balita tungkol sa panalangin. Ipinahayag ni Pablo ito sa Mga Taga-Roma 8:26: "tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, kaya't ang Espiritu ang dumaraing para sa atin, sa paraang di natin kayang sambitin." Hindi tayo marunong manalangin nang wasto. Isipin mo iyan. Kapag iniisip ng Diyos ang tungkol sa iyo at sa iyong kakayahang manalangin, kinikilala ng Diyos na hindi mo alam kung paano manalangin. Alam Niya. Naiintindihan Niya. 

Ngunit kung hanggang dito lang natin titingnan, maaaring magmukhang nakakalungkot. Nakakapagpalakas ng loob, marahil, na kinukumpirma ng Diyos na hindi tayo marunong kung paano manalangin. Nakakasumpong ako ng kaaliwan sa katotohanang alam at nauunawaan ng Diyos. Ngunit hindi tumitigil ang Diyos sa pag-unawa lang. May ginawa ang Diyos tungkol dito! Sa Mga Hebreo 4:14-16, sinasabi sa atin na mayroon tayong dakilang punong pari sa katauhan ni Jesus na nakakaunawa sa ating mga kahinaan – na tinukso sa lahat ng paraan tulad natin subalit kailanma'y hindi nagkasala– at na pumasok na sa kalangitan. Ang ating punong pari ay pumanik na sa mismong kanan ng Diyos, "hanggang sa kabila ng tabing" bilang "angkla ng ating buhay" (Mga Hebreo 6:19). Kaya naman tayo ay may lakas ng loob na "lumapit sa trono ng mahabaging Diyos" (Mga Hebreo 4:16). 

Ang ating katapangan ay hindi nakasalalay sa ating galing sa panalangin. Ang ating kumpiyansa ay hindi nakabatay sa ating kakayahan, ating katalinuhan, ating kaalaman, o ating kabutihan. Maaari tayong lumapit sa Ama dahil sa mga nagawa ni Jesus para sa atin. Ang dahilang ito ay napakagandang balita ay dahil maaari tayong magpakatotoo sa harap ng Diyos dahil hindi nakasalalay sa ating kabutihan, katalinuhan, o debosyon ang pagpasok sa Kanyang presensya. Si Cristo ang nagtamo ng lahat para sa atin. Iniligtas tayo ni Cristo, hindi sa ating kabutihan, kundi sa ating kasalanan namatay Siya para sa atin (Mga Taga-Roma 5:8). 

Kaya’t kapag ikaw ay nananalangin, pakaisipin mo kung ano ang ginagawa mo kapag nararanasan mo ang "kahinaan" sa pananalangin. Nasisiraan ka ba ng loob, nangangako sa Diyos na lalong magsusumikap o mas gagalingan kaysa kung ano ka, at magngingitngit hanggang sa muling pagkabigo? Nakakaranas ka ba ng hiya sa pananalangin dahil hindi mo magawang mapanatag sa katotohanang alam ng Diyos na hindi ka marunong manalangin? Paano kaya mababago ang iyong mga panalangin kung dadalhin mo ang iyong mga pagkabigo sa Diyos sa panalangin, sa paghahanap sa Diyos na nakakaalam na hindi ka marunong manalangin at mismong lumutas nito para sa iyo?

Tungkol sa Gabay na ito

Where Prayer Becomes Real

Minsan, ang panalangin ay parang malungkot. Madalas, sa panalangin, sinusubukan kong panatagin ang aking puso at kaluluwa, ngunit ang isipan ko ay tumatakbong paroo't parito. Minsan, nakakatulog ako. May mga pagkakataon na ang mga panalangin ko ay parang tumatalbog lang sa kisame. Ngunit ang madalas nating hindi nakikita ay na may magandang balita na iniaalok ang Panginoon sa mga sandaling ito. Maglaan tayo ng oras upang pagnilayan ang magandang balita tungkol sa panalangin.

More

Nais naming pasalamtan ang Baker Publishing sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://bakerbookhouse.com/products/235866