Kung Saan Nagiging Totoo ang PanalanginHalimbawa

Ikalawang Araw
Nagagawa ng Diyos ang Higit pa sa Inaasahan Natin
Ang kahirapan sa panalangin ay ang marami sa ating mga paniniwala tungkol sa kung ano ang panalangin, ang mga magagandang bagay na natutunan natin sa simbahan, mga pag-aaral sa panalangin, at kahit na sa ating mga oras sa panalangin ay bihirang umaliw sa atin sa ating mga pakikibaka. Tila madaling kalimutan ang katotohanan kapag ang panalangin ay nagiging mahirap. Pinagtitibay natin ang lahat ng ginawa ng Diyos para iligtas tayo, ngunit sa panalangin, nakakalimutan natin ang Kanyang ginawa, at ipinapalagay na gusto lang Niya tayong maging mabuti at ayusin ang ating buhay. Kailangan natin ng higit pa sa magagandang paalala rito – kailangan natin ng mga direksyon sa pamumuhay sa katotohanan.
Nakita na natin na bahagi ng mabuting balita tungkol sa panalangin ay ang pakikipagtagpo sa atin ng Diyos sa katotohanan sa pamamagitan ng pagpapaalala sa atin na hindi tayo marunong manalangin. Maaari tayong huminga nang malalim at makahinga nang maluwag. Alam ng Diyos. Naiintindihan ng Diyos. Maaari pa nga nating patunayan na binigyan Niya tayo ng isang mataas na saserdote kay Jesus na nagdadala sa atin sa harapan ng Ama, kaya hindi tayo nakatayong nag-iisa sa Kanyang harapan, kundi tayo ay sakop at dinala ng isa na sa pamamagitan ng Kanyang buhay, kamatayan at muling pagkabuhay ay tinatanggap natin ang presensya ng Diyos. Ngunit ang Diyos ay nagpapatuloy pa.
Kapag nagsisikap ako sa panalangin, natatagpuan ko na kahit alam ko ang mga katotohanang ito, kahit na mapapatunayan ko ang lahat ng uri ng magagandang bagay tungkol sa panalangin, kadalasan ay parang nag-iisa akong gumagawa ng lahat ng gawain. Ang panalangin ay isang bagay na ginagawa ko. Marahil para sa iyo, kahit na iyon ay isang pagsusumikap. Marahil ang panalangin ay mas katulad ng isang bagay na dapat mong gawin, ngunit hindi madalas gawin. Kahit dito sa tingin ko ay natutuklasan natin ang ating problema. Kapag ang panalangin ay isang bagay na sa tingin natin ay kailangan nating tapusin o isang aktibidad na ating binubuo, matutuklasan natin kaagad na hindi ito isang bagay na madalas nating gawin. Ngunit paano kung sabihin ko sa iyo na hindi ganoon ang panalangin? Paano kung sabihin ko sa iyo na ang panalangin ay isang bagay kung saan ikaw ay pumapasok? Bahagi ng mabuting balita ng panalangin ay na bago ka pa man magsalita ay iniimbitahan ka sa isang bagay na nangyayari na para sa iyong kapakanan. Kahit na sa ating pagsusumikap na maglaan ng oras para manalangin, sinasalubong tayo ng Diyos sa ating kahinaan.
Gaya ng nabanggit sa debosyonal kahapon, sinabi sa atin ni Pablo na ang Espiritu ay ipinadala sa ating mga kaluluwa. Doon, ipinahayag ni Pablo, na “Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, kaya't ang Espiritu ang dumaraing para sa atin, sa paraang di natin kayang sambitin.” Ang Espiritu ay namamagitan para sa iyo mula sa kaibuturan ng iyong puso. Nakikita ng Espiritu ang lahat ng lugar na nahihirapan kang alagaan. Alam ng Espiritu ang iyong pinakamalalim na sakit, kabagabagan, at kawalan ng pag-asa. Ang Espiritu ay hindi tumitingin sa mga ito mula sa malayo, kundi Siya ay bumababa sa mga lugar na ito at mas kilala sila kaysa sa iyo. Ang Espiritu ay naroroon sa iyo sa iyong pinakamalalim na lugar.
Ganito rin ang sinasabi sa atin tungkol sa anak. Ang Anak ay “laging nabubuhay upang mamagitan” para sa atin sa harapan ng Ama. Bago tayo magbigkas ng salita sa panalangin, ang Espiritu ay dumadaing para sa atin mula sa ating pinakamalalim na lugar, at ang Anak ay nakatayo sa harap ng Ama para sa atin at nananalangin para sa atin. Ang ating sariling mga salita ay nakakasama ng sa kanilang panalangin. Ang ating pagdarasal ay dinadala ng kanilang mga panalangin. Kapag tayo ay nananalangin, tayo ay pumapasok sa pamamagitan ng Anak at ng Espiritu para sa atin, habang ang ating mga panalangin ay umaakyat sa Ama.
Paano binabago ng Anak at ng Espiritu ang paraan ng iyong pananalangin? Kung nanalangin na ang Diyos sa mga salitang iyon na kinatatakutan mo, kung talagang alam ng Ama ang lahat ng kailangan natin bago pa man tayo humingi (Mateo 6:8), bakit tayo nahihirapang dalhin ang mga bagay sa Kanya? Ano kaya ang anyo ng “iharap lamang ang ating sarili” (Rom. 6:13) sa Diyos, nagtitiwala sa Kanyang gawain, at maging ang pagtitiwala na sapat na ang Kanyang mga panalangin?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Minsan, ang panalangin ay parang malungkot. Madalas, sa panalangin, sinusubukan kong panatagin ang aking puso at kaluluwa, ngunit ang isipan ko ay tumatakbong paroo't parito. Minsan, nakakatulog ako. May mga pagkakataon na ang mga panalangin ko ay parang tumatalbog lang sa kisame. Ngunit ang madalas nating hindi nakikita ay na may magandang balita na iniaalok ang Panginoon sa mga sandaling ito. Maglaan tayo ng oras upang pagnilayan ang magandang balita tungkol sa panalangin.
More