Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagharap sa Kawalan ng KasiguruhanHalimbawa

Dealing with Uncertainty

ARAW 5 NG 5

Ugaliing Pumanatag 

“Ipagtatanggol kayo ni Yahweh, pumanatag lamang kayo.” - Exodo 14:14 


Matapos pa lang makatakas mula sa Egipto, pinalakas ni Moises ang loob ng mga Israelita ng mga salitang iyon. Marahil ay naunawaan niya na ang natural na reaksyon natin sa mga sandali ng kawalan ng kasiguruhan ay ang bagabag na magkabi-kabila sa pagitan ng kabalisahan at kawalang-pag-asa. 


Ang damdaming kawalan ng kasiguruhan ay maaaring magresulta sa prefrontal cortex ng iyong utak na “biglang huminto”: na pipinsala naman sa iyong kakayahang lumutas ng mga problema, tumuong mabuti, at manatiling may kakayahang pakibagayan ang iyong sitwasyon. Pinatataas nito ang posibilidad na ikaw ay gagawa ng mga bagay na hindi makatuwiran at mas madaling madapuan ng kabalisahan, depresyon, at istress. 


Iyan ang dahilan kung bakit importanteng ituon ang iyong isipan sa kung ano ang mahalaga sa pamamagitan ng pagsesentro ng iyong puso sa mga katotohanan ng Diyos. Ang pagpapanatag ay isang disiplinang nangangailangan ng patuloy, at sadyang pagsasanay, ngunit ang mismong paggawa ng pagpapanatag ay nagpapatalas ng ating pagdama at nagsasanhi sa ating mas mamalayan ang presensya ng Diyos sa ating kasalukuyang sitwasyon.  


Kaya't, paano ba isinasagawa ang pagpanatag? Ang isang praktikal na kaparaanan ay ang paggawa ng 3 hakbang na tinalakay sa loob ng linggong ito: 


  1. Tanggapin ang iyong mga limitasyon: Gumugol ng dalawang minuto sa pagbibigay-pansin sa nararamdaman mo, at pangalanan ang mga emosyong iyon. Pahintulutan ang sarili na hindi maging okey. Ang prosesong ito ang puputol sa paulit-ulit na mapanghimasok at nakababalisang mga kaisipan, at tutulong sa iyong utak na mag-isip ng mga bagong kaparaanang pangasiwaan ang mga sitwasyong may kawalan ng kasiguruhan. 


  2. Ibigay ang iyong mga inaasahan: Ano ang nagsasanhi sa'yo ngayong maging balisa o takot? Ilarawan sa'yong isip na inilalagay ang mga alalahaning iyon sa isang kahon, at matapos ay ibigay ang kahong iyan sa Diyos. Hingin sa Kanyang palitan ang mga alalahaning iyon ng mga paalala ng Kanyang mga pangako. (Maaaring kailanganin mong ulit-ulitin ang prosesong ito bago mo maramdamang handa ka nang umabante.) 


  3. Panghawakan ang mga deklarasyon ng Diyos: Gumugol ng hindi kukulang sa 5 minuto sa pagninilay sa mga pangako ng Diyos. Ilarawan sa iyong isip na isinusuot ang mga ito na tila mga damit, at tanungin sa Diyos kung alin sa mga ito ang nais Niyang pagtuonan mo sa araw na iyan. (Sa ilang araw, tila maraming nais sabihin ang Diyos, at sa ibang araw, pakiramdam mo ay tila tahimik ang Diyos. Ang pareho ay normal, natural na pagbabago-bago sa magagaling na mga relasyon.) 


Anuman ang kaharapin mo sa mga susunod na linggo, tandaan na wala kang mararanasang may kawalan ng kasiguruhan sa Diyos. Gumawa Siya sa iyong nakaraan, narito Siya sa iyong kasalukuyan, at hawak Niya ang iyong kinabukasan. Panghawakang mabuti ang Kanyang mga pangako at magtiwalang Siya ay mabuti.


 


Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Dealing with Uncertainty

Ang buhay ay tila ba walang kontrol? Sa pabago-bagong mundo na puno ng pampulitikal, pang-ekonomiya at panlipunang kawalan ng kasiguruhan, paano mo paglalabanan ang kabalisahan at takot? Paano ka makakapamuhay nang may l...

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya