Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagharap sa Kawalan ng KasiguruhanHalimbawa

Dealing with Uncertainty

ARAW 3 NG 5

Ibigay ang Iyong Mga Inaasahan


Nang makita ng mga taong natatagalang bumaba si Moises mula sa bundok, ang mga tao ay nagsilapit kay Aaron at sinabi sa kanya ang, “Igawa mo kami ng mga diyos na mangunguna sa amin.” - Exodus 32:1


400 taon. Ganoon katagal naghintay ang mga Israelitang iligtas sila ng Diyos mula sa pagkakaalipin. Ngunit matapos silang umalis sa Egipto, hindi sila direktang dinala ng Diyos sa Canaan. Bagkus, nagkampo sila sa paanan ng isang bundok habang tinatagubilinan ng Diyos si Moises. 


Ngunit makalipas ang 40 araw, nayamot na ang mga Israelita. Ang natagalang pagdating ng kanilang inaasahan ay nagresulta sa mga maling pasya: tinalikuran nila ang Diyos at hinabol ang anumang ginusto nila. 


Kung naranasan mo na ang kasiraan ng loob dahil ang isang panahong walang kasiguran ay tumagal nang higit sa iyong inaasahan, hindi ka nag-iisa. Maaari tayong maging labis na nakatuon sa ating mga kabiguan na nalilimutan nating ang Diyos pa rin ang may kontrol. Iyan ang dahilan kung bakit mahalagang pakatandaan naang iyong paghihintay ay hindi kailanman nasasayang.


Bagama't hindi nakikita ng mga Israelita noong panahong iyon, hindi ipinagkakait ng Diyos ang Kanyang ipinangako—ihinahanda Niya sila para rito.


Kaya't, kung napapagod ka na sa kahihintay, gawin ang nalimutang gawin ng mga Israelita: maghanap ng katunayan ng presensya ng Diyos, at balik-tanawin ang Kanya nang nagawa. Ang tiyempo ng Diyos ay maaaring iba sa iyo, ngunit ang katapatan Niya ay hindi nagbabago. Ang paghihintay mo ay maaaring naghahanda sa'yo para sa mga plano at layunin ng Diyos para sa'yo. 


Mga Tanong na Pagbubulayan: 


Ano ang hinahawakan mong alam mong kailangan mo nang isuko?


Sa paanong mga paraan naging tapat ang Diyos sa buhay mo? 


Ano kaya ang nais ng Diyos na makita mo sa kasalukuyang panahon? 


 


Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Dealing with Uncertainty

Ang buhay ay tila ba walang kontrol? Sa pabago-bagong mundo na puno ng pampulitikal, pang-ekonomiya at panlipunang kawalan ng kasiguruhan, paano mo paglalabanan ang kabalisahan at takot? Paano ka makakapamuhay nang may l...

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya