Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagharap sa Kawalan ng KasiguruhanHalimbawa

Dealing with Uncertainty

ARAW 2 NG 5

Tanggapin ang Iyong Mga Limitasyon

Natatalo ng mga Israelita ang mga Amalekita hangga't nakataas ang mga kamay ni Moises … Maya-maya, napagod na si Moises at kumuha ng isang bato sina Aaron at Hur at pinaupo roon si Moises. Pagkatapos tinabihan nila siya at hawak nilang pataas ang mga kamay nito … Ganyang tinalo ni Josue ang mga Amalekita. - Exodus 17:11-13


Ang pagtayo sa ibabaw ng burol na may hawak na tungkod sa itaas ng iyong ulo ay hindi isang estratehikong paraan ng pananalo sa labanan. Ngunit, iyon mismo ang plano ni Moises nang sabihan niya si Josue na labanan ang isang makapangyarihang kaharian.   


Ngunit ang mga ginawa niya sa labanang ito ay hindi lang nakatulong sa mga Israelitang lipulin ang kanilang kaaway, naglalarawan din ang mga ito ng 2 magaling na paraan upang matanggap natin ang ating mga limitasyon sa mga sitwasyong may kawalan ng kasiguruhan.


  1. Kumapit sa Kanyang nakakaalam ng iyong kinabukasan. 


Kapag hawak ni Moises ang tungkod sa itaas ng ulo niya, nananalo ang mga Israelita; kapag ibinaba niya ito, nagsisimula na silang matalo. Sa pagtaas ng kanyang tungkod, mistulang tinatanggap ni Moises na ang Diyos ay palagi nilang kasama—at tanging nasa Kanya ang kontrol. 


Tulad ni Moises, kapag nalalagay ka sa isang labanang alam mong mahihirapan kang ipanalo, tingnan ang sitwasyon at suriin ang nagaganap sa iyong paligid, ngunit huwag payagan itong pigilan kang kumapit sa awtoridad ng Diyos at habulin ang ipinangako Niya sa iyo. 


  1. Hayaan ang mga pinagtitiwalaang taong samahan ka. 


Habang patuloy ang labanan, nangawit ang mga braso ni Moises at hindi na niya masuportahan ang hukbo ng mga Israelita nang walang tulong. Noon pumasok ang mga pinagtitiwalaan niyang mga kaibigan. Sa paghawak nilang pataas ng mga kamay nito, tinulungan nila ang Israel na matamo ang tagumpay.  


Si Moises ay hindi nilikha upang pagdaanang mag-isa ang mga mga mahihirap na sitwasyon—at ikaw ay hindi rin. Ano kaya kung ang kasalukuyang limitasyon mo sa katunayan pala ay isang paanyaya sa ibang makasama ka sa makapagbibigay-luwalhati-sa-Diyos na kuwentong nais Niyang ibahagi sa pamamagitan mo?  


Ang mga tagumpay na natatamo sa mga panahong may kawalan ng kasiguruhan ay madalang na dala ng sarili nating lakas—ang mga ito ay resulta ng pagkapit sa Diyos at pagdepende sa iba na suportahan tayo. Ang katapatan ng Diyos ang nagtatawid sa atin sa mga bagyo ng buhay, at kapag tinanggap natin ito, lumilikha tayo ng puwang para sa Diyos na dumating at magpakitang-gilas sa ating kahinaan. 


Mga Tanong na Pagbubulayan: 


Anong mga sitwasyon ang kinakaharap mo na tila napakahirap? 


Sino ang mga pinagtitiwalaang taong maaari mong hilingan na samahan ka?


Sa anong espesipikong paraan mo kakapitan ang awtoridad ng Diyos ngayon?


 


Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Dealing with Uncertainty

Ang buhay ay tila ba walang kontrol? Sa pabago-bagong mundo na puno ng pampulitikal, pang-ekonomiya at panlipunang kawalan ng kasiguruhan, paano mo paglalabanan ang kabalisahan at takot? Paano ka makakapamuhay nang may l...

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya