Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Pagharap sa Kawalan ng KasiguruhanHalimbawa

Dealing with Uncertainty

ARAW 4 NG 5

Panghawakan ang Mga Deklarasyon ng Diyos 

Tinipon ni Josue ang buong Israel, “…Alam ninyo sa inyong puso't kaluluwa na tinupad ng Diyos ninyong si Yahweh ang bawat mabuting bagay na ipinangako niya sa inyo. Wala siyang hindi tinupad.” - Josue 23:14


Halos buong buhay kinaharap ni Josue ang mga sakuna, balakid at kabiguan. Gayunpaman, hindi siya tumigil sa pananalig na tutuparin ng Diyos ang Kanyang mga pangako. Sa pagwawakas ng kanyang buhay, nasaksihan ni Josue na umiral ang katapatan ng Diyos, dahilang sabihan niya ang mga Israelita na kilalanin at tandaan ang mga pangako ng Diyos. 


Ang mga kaisipang ilalagay mo sa iyong isipan ay labis na mahalaga dahil ang pinanghahawakan mo ang magi-impluwensya sa iyong
pananaw sa buhay


Kung pipiliin mong magnilay sa mga pangako ng Diyos, masisimulan mong kilalanin ang mga pagpapala ng Diyos sa mga panahong walang kasiguruhan. Dagdag pa, ang magtiwalang may magandang kahihinatnan ang iyong paghihirap sa mga kamay ng Diyos ang tutulong sa'yong humakbang paabante sa pananampalataya at patuloy na lumaban. 


Habang humahakbang kang paabante ngayon, pagnilayan ang ilan sa mga pangako ng Diyos, at hayaan ang mga itong baguhin ang iyong pag-iisip: 


Aalalayan ka't ipagtatanggol ng Diyos.


Ang kapayapaan ng Diyos ang mag-iingat sa iyong puso. 


Aawit ang Diyos sa laki ng kagalakan sa iyo. 


Aakayin ka ng Diyos sa daan, tuturuan at laging papayuhan. 


Ang Diyos ang iyong lakas at kanlungan, iyong saklolo sa mga panahon ng pangangailangan. 


Sa lahat ng bagay, ikaw ay magtatagumpay dahil mahal ka ng Diyos. 


Hindi ka kailanman iiwan ni pababayaan man ng Diyos. 


Ang ganap na pag-ibig ng Diyos ang papawi ng anumang iyong pagkatakot 


Walang makapaghihiwalay sa'yo sa pag-ibig ng Diyos. 


Hindi pa tapos ang Diyos sa'yo. Hindi pa tapos ang Diyos sa'yo. Hindi pa tapos ang Diyossa'yo


Ipanalangin ang Mga Pangako ng Diyos: 


O Diyos, lubos akong nagpapasalamat na ang Banal na Kasulatan ay puno ng Iyong mga pangako. Tulungan akong kumapit sa mga alam kong totoo. Kapag natutukso akong kalimutan ang mga ginawa Mo o kung paano Mo naipakita ang Sarili na tapat, mangusap sa puso nang makaalala. Panatilihin akong matatag. Amen.


 


Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Dealing with Uncertainty

Ang buhay ay tila ba walang kontrol? Sa pabago-bagong mundo na puno ng pampulitikal, pang-ekonomiya at panlipunang kawalan ng kasiguruhan, paano mo paglalabanan ang kabalisahan at takot? Paano ka makakapamuhay nang may l...

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya