Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Bakit Ba Napakahirap Magpatawad?Halimbawa

Why Is It So Hard to Forgive?

ARAW 5 NG 5

Ang Pagkakaila ni Pedro kay Jesus



Ang pinakaunang beses na sinabi ni Jesus na "Sumunod kayo sa Akin" ay sa isang lalaking ang pangalan ay Pedro. Ang kanyang buod ay hindi mahaba, dahil isa siyang simpleng mangingisda. Subalit, si Pedro ang tatanghaling isa sa pinaka, kung hindi man ang pinakamahalagang alagad ni Jesus. Malinaw na siya ay isang pinuno, halos siya ang laging unang nababanggit kapag sila ay itinatala, at siya'y bahagi ng "pinakamalapit na alagad" ni Jesus. 



Si Pedro ay hayagan kung magsalita, kaya nga sa Mateo 26:33 ay sinabi niya, "Kahit na po kayo iwan ng lahat, hindi ko kayo iiwan.” Ngunit, nang dumating ang panahon para magsalita si Pedro at ideklara ang kanyang pakikipagkaibigan sa Tagapaglitas ng mundo, natigilan siya. At hindi lang siya basta nanahimik, ikinaila pa niya si Jesus at inihiwalay ang kanyang sarili mula sa pagkakaalam o pagsunod sa Kanya. 



Ngayon, iyan ay isang bagay na hindi kayang patawarin, tama? Ang magkasala sa pamamagitan ng pagsisinungaling o pandaraya o pagnanakaw ay masama, ngunit ang ikaila si Jesus ay tila isang bagay na hindi mo na kayang bawiin pa. Hindi mo na kayang ibalik pang muli ang mga salitang nabitawan mo na kapag nasabi mo na ang mga ito. At pagkatapos na tumilaok ang tandang, natalos nang husto ni Pedro kung anong nagawa niya, at siya'y umiyak nang matindi. 



Ngunit si Jesus—na ganap na Diyos at ganap na tao—ay alam na ang gagawin ni Pedro bago pa Niya ito tinawag upang maging alagad. Batid ni Jesus ang lalim ng galit na mararamdaman ni Pedro sa sandaling maging malinaw sa kanya ang ginawa niya. Alam ni Jesus na ang napakalaking maling paghakbang na ito ni Pedro sa kanyang buhay ang siyang magtutulak sa kanya upang maging tagapagpabago ng mundo at siyang magdadala ng Ebanghelyo sa dulo ng mundo. Alam ni Jesus, ngunit, pinili pa rin Niya si Pedro. At sa susunod, hindi lang Niya pinatawad si Pedro, ibinalik pa niya ito.



Maaaring may ginawa ka sa buhay mong sa palagay mo ay hindi mo na kayang bumalik pa. Isang bagay na sinabi mo o kaya ay ginawa na nagkaroon ng madilim at nakalulungkot na kahihinatnan kaya't hindi mo alam kung paano ka pa mapapatawad ng Diyos ng sansinukob. Narito ang mabuting balita—kaya nga Niya ipinadala si Jesus. 



Ang kasalanan ng buong mundo, ng lahat ng maaaring mabuhay, ay inilagay sa ating Tagapagligtas habang Siya'y nakapako sa krus. Ang bawat masamang kaisipan, kasuklam-suklam na gawain, o masasakit na salitang laban sa kaganapan ng pamantayan ng Diyos ay binalutan na ng dugong tumigis sa katawan ng ating Tagapagligtas. At sa Kanyang huling hininga at paglisan sa mundo, ang lahat ng mga kasalanang iyon ay isinama Niya. 



Habang napapagtanto mo ang sarili mong mga kasalanan at mga maling pagpili na nakaapekto hindi lang sa buhay mo kundi maging sa buhay ng ibang tao, isaalang-alang mo si Jesus. Alam Niyang malulubog tayo sa ating kasalanan at kahit na may kaunawaan Siya tungkol dito, namatay pa rin Siya para sa atin. 



At kung ang perpektong Anak ng Diyos ay nakapagpatawad sa atin, hindi kaya dapat din nating patawarin ang ibang tao?


Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Why Is It So Hard to Forgive?

Lahat tayo ay nangangailangan ng kapatawaran. Ngunit kadalasan, ang tingin natin sa kapatawaran ay isang bagay na opsyonal, samantalang sa katunayan, ito'y pangunang kailangan upang lumago tayo sa ating pananampalataya. ...

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya