Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Bakit Ba Napakahirap Magpatawad?Halimbawa

Why Is It So Hard to Forgive?

ARAW 2 NG 5

Jose



Ang kasaysayan ni Jose ay nasa Genesis, ang pinakaunang aklat ng Lumang Tipan. Siya'y anak ni Jacob, na nang kalaunan ay pinangalanan ng Diyos na Israel. Ang buhay ni Jose ay isang buhay na puno ng paghihirap, dahil ipinagbili siya ng kanyang mga kapatid upang maging alipin sa edad na 17.



Sa pagdating ni Jose sa Egipto, siya'y ipinagbili sa kapitan ng mga guwardya na nagngangalang Potifar. Sinasabi sa atin sa Genesis 39 na "pinatnubayan siya ni Yahweh. Anumang kanyang gawin ay nagtatagumpay", at kasama na doon ang paglilingkod niya kay Potifar. Naging personal na tagapaglingkod ni Potifar si Jose at naging katiwala siya sa lahat ng ari-arian nito.



Bagama't halos lahat ng bagay sa tahanan ni Potifar ay maayos naman, nagkaroon ng gulo dahil sa asawa ni Potifar. Patuloy niyang inaakit si Jose, ngunit nanatili siyang isang lalaking may integridad. Sa katunayan, sinasabi sa Genesis 39:10 na "hindi pinapansin ni Jose ang babae kahit araw-araw itong nakikiusap na sumiping sa kanya." Sa kasamaang palad, ipinatapon sa bilangguan si Jose kung saan mananatili siyang nakakulong sa loob ng isang dekada para sa isang bagay na hindi niya ginawa.



Ang pighati at kahirapan ay nakita sa buhay ni Jose sa kanyang kabataan, ngunit, hindi siya tumigil sa paggawa o sa pagiging isang taong may integridad. Habang ang mga katangiang iyon ay kapuri-puri, ang pinaka-kahanga-hangang aral na matututunan natin mula sa buhay ni Jose ay ang kanyang kakayahang magpatawad sa kanyang mga kapatid. Matinding pagtataksil ang ginawa ng mga ito sa kanya, ngunit pinili niyang patawarin sila at tingnan ang buong sitwasyon. 



Sa Genesis 50:20, sinabi ni Jose, "Masama nga ang inyong ginawa sa akin, subalit ipinahintulot iyon ng Diyos para sa kabutihan, at dahil doo'y naligtas ang marami ngayon." Noong si Jose ay 17 taong gulang at ipinagbili upang maging alipin, hindi niya alam kung paanong gumagawa ang Diyos upang ayusin ang mga detalye ng kanyang hinaharap. Maaaring si Jose ay sumama ang loob at magalit, ngunit sa halip, naging masipag siya saan man siya naroon at anuman ang kanyang sitwasyon. Sa pagdaan ng panahon, naunawaan ni Jose kung bakit ang mga pangyayaring iyon ay naganap sa kanyang buhay.  



Lahat tayo ay nagdaan na sa mahihirap na sitwasyon sa ating buhay. Ang ilan sa mga ito ay dahil sa ibang tao, at ang ilan naman ay dahil sa sarili nating kagagawan. Anuman ang dahilan kung paano tayo napapunta sa mga hindi natin gustong sitwasyon, siguradong magagamit ng Diyos ang mga ito upang matulungan ang ibang tao. 



Maaaring may nagtaksil sa iyo nang ganoon na lamang na hindi mo kayang isipin na maaari ka pang magtiwalang muli. Maaaring may nawala sa iyong buhay na naging dahilan upang mawalan ka ng pag-asa. Ang mga iyon ay hindi masasayang karanasan, ngunit ang paraan kung paano natin ito lakaran at kung paano tayong naghilom sa pamamagitan ng mga ito ay maaaring susi upang mabuksan hindi lang ang sarili mong kalayaan, kundi maging ang sa ibang tao. 



May bahagi ba sa buhay mo kung saan may sama ka ng loob at nangangailangan ng pagpapatawad sa isang taong nakasakit sa iyo? Hilingin mo sa Diyos na ipakita ito sa iyo. Sa pagdaan ng panahon, ipapakita Niya kung paanong matutubos ang iyong mga pasakit upang may ibang taong matulungan sa pamamagitan nito. 


Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Why Is It So Hard to Forgive?

Lahat tayo ay nangangailangan ng kapatawaran. Ngunit kadalasan, ang tingin natin sa kapatawaran ay isang bagay na opsyonal, samantalang sa katunayan, ito'y pangunang kailangan upang lumago tayo sa ating pananampalataya. ...

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya