Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Bakit Ba Napakahirap Magpatawad?Halimbawa

Why Is It So Hard to Forgive?

ARAW 3 NG 5

Ang Di-marunong Mapagpatawad na May Utang 



Isa sa pinakamatinding halimbawa ng kapatawaran na makikita sa Biblia ay noong isinalaysay ni Jesus ang tungkol sa isang hari na gustong ayusin ang mga pagkakautang sa kanya. May isang lalaking nagkakautang sa hari ng malaking halaga at hindi siya mabayaran, kaya't nagpatirapa ito sa hari at nagmakaawa. Naawa ang hari sa kanya at pinatawad ang kanyang utang dahil sa habag. 



Pagkabasa nito, aakalain natin na ang lalaking pinatawad ay punung-puno ng pasasalamat, tama? Ang halagang pinatawad sa kanya ay isang utang na hindi niya kayang bayaran. Hindi lang iyan, ang pamilya niya ay hindi nasaktan. Nakakalungkot, makikita natin sa susunod na bersikulo na hindi niya ibinigay ang kaparehong habag sa isang lalaking may utang sa kanya na ang halaga ay maliit na bahagi lamang ng halaga ng utang niya sa hari. Ipinaaresto at ipinakulong pa niya ang lalaki hanggang sa mabayaran siya nito.



Mayroong nagbago sa puso ng lalaking ito mula sa sandaling siya ay nakaluhod at nagmamakaawa sa hari upang siya ay kahabagan dahil sa kanyang utang hanggang siya ay tumayo at nakita ang taong may utang sa kanya ng mas maliit na halaga.



Isa sa pinakamalaking bahagi ng kapatawaran ay ang paggamit ng empatiya. Kapag nagpapakita tayo ng empatiya sa ibang tao, inilalagay natin ang sarili natin sa kanilang sitwasyon at nagpapakita tayo ng awa at pag-unawa. Ang taong pinatawad sa malaking pagkakautang sa hari ay hindi piniling magpakita ng empatiya sa lalaking may utang sa kanya ng napakaliit na halaga. 



Kung lahat tayo'y magiging tapat, maaaring nakikita natin ang ating sarili sa kasaysayan. Gaano kadalas ba nating pinili na huwag magpatawad ng isang tao para sa isang bagay na ginawa niya na nakasakit sa atin ngunit masaya tayong nakakatanggap ng kapatawarang iniaalok sa atin ng Diyos? Lahat tayo'y nagkasala. Labis-labis. At bawat isang kasalanan natin ay hindi nakakaabot sa perpektong pamantayan ng Diyos. 



Madalas, tinitingnan natin ang ating kasalanan nang kakaiba. Maaaring ituring natin ang ating mga kasalanan ay mas maliit kaysa sa iba, ngunit ang lahat ng kasalanan ay labag sa pamamaraan ng Diyos. Ang kaibahan lang? Ang ibang kasalanan ay may mas malaking kapinsalaan—ang iba ay maaaring maliit, samantalang ang iba ay nagpapabago ng buhay. 



Hindi natin alam ang buong kuwento o karanasan sa buhay ng isang tao. Hindi natin laging nauunawaan ang mga karanasang naging hadlang sa kanilang buhay. Ngunit, ang napakahalagang bahagi sa pagpapaabot ng kapatawaran ay ang piliin ang isang pananaw na hindi lang yaong sa atin. Ang pagpapakita ng empatiya ay nangangailangan ng pagsusumikap mula sa atin. Madalas, ito'y hindi natural sa atin, ngunit ang maaaring maging susi sa paglakad nang may kalayaan ay ang pagpapaabot ng kapatawaran sa ibang tao.



Mayroon ka bang isang taong pinagkakaitan mo ng kapatawaran? Isang taong ang kasalanan sa iyo ay hindi naman kasing-sama ng iniisip mo? Ang iyo bang pagpaparusa sa pamamagitan ng pagkakait ng kapatawaran ay akma sa kanyang totoong "krimen"? Hilingin sa Diyos na ipakita sa iyo kung sino ang kailangan mong patawarin at ialok mo ang kapatawarang iyon.


Banal na Kasulatan

Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Why Is It So Hard to Forgive?

Lahat tayo ay nangangailangan ng kapatawaran. Ngunit kadalasan, ang tingin natin sa kapatawaran ay isang bagay na opsyonal, samantalang sa katunayan, ito'y pangunang kailangan upang lumago tayo sa ating pananampalataya. ...

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya