Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Bakit Ba Napakahirap Magpatawad?Halimbawa

Why Is It So Hard to Forgive?

ARAW 4 NG 5

Ang Babaeng Nahuli sa Pangangalunya



Isang araw noong nagtuturo si Jesus sa labas ng Templo, ang mga relihiyosong pinuno at mga guro ay may dinalang babae kay Jesus dahil sa kanyang kasalanan. Sinabi nila kay Jesus na ang babaeng ito ay nahuling nangangalunya. Hindi kinakailangang paalalahanan si Jesus patungkol sa batas, ngunit ginawa pa rin nila ito. “Ang lalaking mangangalunya sa asawa ng iba ay dapat patayin, gayundin ang babae" (Levitico 20:10 RTPV05). Pagkatapos ay tinanong nila kay Jesus kung anong masasabi nito tungkol dito.



Mahinahong yumuko si Jesus upang gawin ang isang bagay na hindi inaasahan—nagsimula Siyang magsulat sa lupa. Pagkatapos, sinabi Niya, “Ang sinuman sa inyo na walang kasalanan ang siyang maunang bumato sa kanya” (Juan 8:7).At muli Siyang yumuko at sumulat sa lupa, at isa-isa, ang mga nag-aakusa ay umalis. 



Isang kawili-wiling bahagi sa kuwentong ito ay ang pagtatangka nilang bitagin si Jesus sa pamamagitan ng isang tanong. Gusto nilang makita kung susundin Niya o hindi ang batas, ngunit, hindi nila sinunod nang buo ang batas. Kung ang babaeng ito ay nahuli sa akto ng pangangalunya, nakalimutan nilang dalhin ang lalaking kasama niya—dahil sinasabi sa batas na silang dalawa ang dapat patayin. 



Tinanong ni Jesus ang babae kung saan pumunta ang mga nag-aakusa sa kanya, sinabing hindi Niya hinahatulan ito, at sinabing talikdan na niya ang makasalanang buhay.  Walang sinabing "paano mong nagawa iyon!"  o kaya naman ay isang 10-hakbang na prosesong ibinigay sa kanya upang tulungan siyang makawala sa gulong pinasok niya. Tanging isang payak, ngunit makapangyarihang utos sa isang mahinahong tinig ng Tagapagligtas na tunay ngang nagnanais na siya ay "umuwi na at iwan ang buhay na makasalanan."



Para sabihin ni Jesus sa babaeng ito na hindi Niya ito hinahatulan at pagkatapos ay pauwiin na siya ay isang kahihiyan para sa mga Pariseo at mga guro ng batas. Buung-buo silang tumatalima sa kanilang mga batas, na siyang nagdala ng elitismong espirituwal. Ito lang ang mayroon sila at dito sila umaasa. Kung batid lang nila kung gaanong mapagyayaman ang kanilang mga buhay ng kapatawarang nagmumula kay Jesus. 



Maaaring tayo ang nangangailangan ng kapatawaran sa anumang sitwasyon. Maaaring tayo ang may nagawang napakasamang bagay na ni hindi pa man lang natin napag-iisipan. At dahil diyan ay kailangan nating makarinig mula kay Jesus—hindi Niya tayo hinahatulan kundi ang nais Niya ay iwan na natin ang buhay na makasalanan. Ngunit maaaring tayo rin ang mga taong kailangang magpaabot ng pagpapatawad. Ang babaeng ito ay nakagawa ng kasalanang ang parusa ay kamatayan, ngunit hindi siya hinatulan ni Jesus. 



Habang inuunawa mo ang kuwentong ito tungkol sa isang napakahalagang pagpapatawad at kaligtasan, hilingin mo sa Diyos na saliksikin ang iyong puso at tulungan kang makita kung saan ang kapatawaran ay maaaring kailangang tanggapin o ibigay.


Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Why Is It So Hard to Forgive?

Lahat tayo ay nangangailangan ng kapatawaran. Ngunit kadalasan, ang tingin natin sa kapatawaran ay isang bagay na opsyonal, samantalang sa katunayan, ito'y pangunang kailangan upang lumago tayo sa ating pananampalataya. ...

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya