Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mangarap nang Malaki kasama ni Bob GoffHalimbawa

Dream Big with Bob Goff

ARAW 6 NG 7

Kapag ikaw ay lubhang biguan, hindi ka nag-iisa. Maraming tao sa Biblia ang may ganyang naranasan. Si Abraham, halimbawa. Mababasa sa Genesis kung paanong nagpatuloy siya sa paglalakbay nang hindi muna sumasangguni sa Diyos. Ngunit sinabihan ng Diyos si Abraham na ang buong pandaigdigang sambahayan ng pananampalataya ay direktang magmumula sa kanya. Si David ay may mga dakilang kabiguang nabalitaan ng lahat, kasama na ang pangangalunya at pagpatay. Ngunit ang pinag-angkanan ni Jesus ay dumaan sa kanya. Inilalarawan pa siya na isang taong mula sa puso ng Diyos. Walang mag-aakala, hindi ba? 



Sa ating lipunan, tayo ay nakapagdespatsa ng mga presidente at nakapagpatalsik mula sa simbahan ng mga pastor para sa mas maliliit na sala. Pumatay si Moises ng isang lalaki, utang na loob, ngunit pinili siya ng Diyos na maghatid ng Kanyang mga salita sa tapyas na batong kinasusulatan ng kung paano tayo dapat mamuhay. Matapos ay pinangunahan niya ang isang bayan ng mga tao papunta sa isang lupaing ipinangako. Ipinapakita sa atin ng Diyos, nang paulit-ulit, na hindi tayo naaalisan ng karapatan ng ating mga kabiguan; hinahanda tayo ng mga ito.



Sa totoo lang, ang karamihang tao ay mas nag-aalala na makikita sila ng ibang mabigo kaysa sa mismong mabigo. Kaya't lahat tayo, kahit papaano, ay sumusubok na umarte na hindi tayo sa anumang paraan nabibigo—kahit kailan. Hindi pa ako nakakakita ng nagpapahayag sa social media ng pagsuko sa isang relasyon o pagkatalo sa tukso. Hindi pa ako nakakita ng ni isang litrato ng isang sumusuko limampung talampakan bago umabot sa tuktok o nandadaya sa eksamen o nag-iinit ang ulo o iniimbestigahan ng BIR o binubulyawan ang kanyang anak. 



Ang pangangailangan nating maging aprubado ng iba ay nakakagulo ng ating pag-iisip. Nagtataka tayo, tayo lang ba ang may mga malalaki at maliliit na kabiguang gumagalos sa ating mga araw? Huwag malinlang at isiping ikaw lang ang nahihirapang tawirin ang mga suliranin. Ang kabiguan ay lumilikha ng imbitasyon na hindi matatanggap ng mga nagkukunwari. Punitin ang isa o dalawang tiket. Okay lang yan. Kasunod ng isang dakilang kabiguan ay maaaring sindakilang kagandahan at pagiging totoo, na maari lang magmula sa ating pagkaunawa ng ating desperadong pangangailangan ng pagmamahal, kagandahang-loob, at tulong.  


Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Dream Big with Bob Goff

Matutunan kung paanong malinaw na itakda ang iyong mga mithiin para sa sarili. Tukuyin ang mga balakid na sumasagabal sa iyo. Magbalangkas ng tiyak na plano sa pag-abot ng mga layunin. Bumuo ng mga kasangkapang tutulong ...

More

Nais naming pasalamatan ang HarperCollins/Zondervan/Thomas Nelson para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyari pumunta sa: https://amzn.to/2UN6uWo

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya