Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mangarap nang Malaki kasama ni Bob GoffHalimbawa

Dream Big with Bob Goff

ARAW 5 NG 7

  



Kung ikaw ay may mga ambisyon nang ilan taon na at hindi mo pa nailalantad ang mga ito sa mundo, mahalagang itanong mo sa sarili mo kung bakit. Hindi kailanman nagtagubilin si Jesus na manigurado. Ikaw ay isinilang upang maging matapang. Iyan ang ikilos mo. Mamuhay sa katotohanang ito. Kung nais mong maisulong ang ilan sa mga ambisyon mo, umalis sa dakong ligtas sa iyong buhay at ipagsapalaran ang isa o dalawang bagay. Kung ikaw ay nakapagtatag ng matataas na pader, hindi mo kailangang buwagin ang mga ito; gumawa lang ng isa o dalawang pintuan at pumunta sa kabilang dako.



Ang Mogadishu ay isang mapanlinlang na lugar. Ito'y puno ng kagandahan at pag-asa at karahasan at mga bala at mga pagsabog. Kapag pagtatangkaan ang buhay ng isang tao, sisingitan ang sasakyan nila para mailayo sa mga nagbibigay ng proteksiyon dito. Masasamang bagay ang kasunod nito. Dalawampung minuto sa aming paglalakbay, habang paikot sa Mogadishu, lumiko kami sa isang makipot na kalsada at siningitan kami ng isang sasakyan. Bumaling sa akin ang aming tsuper at sinabi sa akin na takot na takot ang boses ang, “Masama ang lagay natin!” Sa totoo lang, dalawang bagay ang ayaw mong marinig kung nasa Somalia ka: “Masama ang lagay natin” at “Ako na ang kapitan.” Hindi ko inasahan ang sunod na nangyari. Ang mga lalaking may mga machine gun na nagbabantay sa amin sa trak sa harapan namin ay nagsimulang magbababaril. Likas man akong madaladal, ang tanging nasabi ko ay, “Halaaa!” 



Alam kong kung pakinggan hindi ito malaki, malalim, at teolohikal, ngunit ito ay malaki, malalim, at teolohikal. Heto ang dahilan. Ginugol ko ang buong buhay ko sa pagiging mas at lalo pang komportable. Ako ay may bahay, sasakyan, yate. Aba, may aso pa akong hindi ko ginusto. Ang nadiskubre ko ay ang mga komportableng tao ay walang pangangailangan kay Jesus at hindi naghahabol ng kanilang mga ambisyon—ang mga desperado, oo. Kung hahabulin natin ang ating mga ambisyon, ayaw ng Diyos na namumuhay tayo sa kalagitnaan ng kaginhawahan. Nais Niya tayong mamuhay sa bingit ng halaaa.



Ang mamuhay sa bingit ng halaaa ay maaaring nakakatakot at mahirap, at kung minsan ay masakit din. Okay lang yan. Huminga lang. Manatiling naghahabol. Umabante papalapit sa bingit kung saan naghihintay si Jesus sa iyo. Hindi tayo inaakay ng Diyos sa pinakaligtas na daang pasulong, kundi sa daang pinakalalago tayo.


Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Dream Big with Bob Goff

Matutunan kung paanong malinaw na itakda ang iyong mga mithiin para sa sarili. Tukuyin ang mga balakid na sumasagabal sa iyo. Magbalangkas ng tiyak na plano sa pag-abot ng mga layunin. Bumuo ng mga kasangkapang tutulong ...

More

Nais naming pasalamatan ang HarperCollins/Zondervan/Thomas Nelson para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyari pumunta sa: https://amzn.to/2UN6uWo

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya