Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mangarap nang Malaki kasama ni Bob GoffHalimbawa

Dream Big with Bob Goff

ARAW 2 NG 7

Kung nais mo ng paraan na mapadaling masimulan ang iyong mga ideya, gawin ang mga bagay na sinabi ni Jesus na talagang mahalaga sa Kanya. Magsimula sa mga taong nagugutom, isunod ang mga taong nauuhaw, mga taong may sakit, mga kakaibang tao, mga taong walang maisuot, at mga taong nakabilanggo. Hindi mo palaging malalaman kung nagugutom ang isang tao, ngunit nariyan sila kahit saan. Mas kaunti ang mga taong walang maisuot, ngunit malalaman mo pag natagpuan mo na sila. Idagdag ang mga balo at ulila kung mayroon kang pagkakataon. Maaaring mas mahaba ang listahan ng Diyos para sa iyo, pero nangangako akong hindi ito mas maiksi.



Ipagpalagay nating isa sa mga ambisyon mo ay ang makapamuhay nang masaya at may kakuntentuhan. Karamihang tao ay magsasabi nito, pati ako. Ngunit kung nais mo talagang mapaghandaang matupad ang magandang ambisyon na ito, kailangan mong maging mas tiyak. Itanong sa iyong sarili kung ano ang magpapasaya at magbibigay ng kakuntentuhan sa iyo. Masaya ka na ba kung mabibigyan ka ng isang tuta? O kaya naman ay dalawa? Gusto mo bang manalo ng isang milyong dolyar? Isali mo ako diyan. O mas mapapasaya at mas makakarananas ka ba ng kakuntentuhan sa pamamahagi ng dalawang milyong dolyar? Isali mo rin ako diyan. Gusto mo bang sumikat? Kung oo, gaano kasikat at sikat kanino? Gusto mo bang maging mayaman sa kaibigan o sa pondong pangretiro mo? At paano mo malalaman kung sapat na ang iyong kasikatan o kasaganaan? Pagpasyahan ang iyong mga sukatan. Gusto mo bang makita ang iyong litrato sa kahon ng sereal? Sa pinasadyang modelo ng Nike na sapatos? Sa nakapaskil na wanted sa post opis? O sapat na ba ang maliit na litrato mo sa pitaka ng iyong minamahal?



Kung ikaw ay tulad ko, kapag tiningnan mo ang listahan mo, kikilabutan ka't gugustuhing gumawa ng 1,000 na push-up at makipag-apir sa lahat ng tao sa loob ng isang milya kuwadrado. Iyan ang punto! Kapag sinimulan mong kilalanin at pangalanan ang mga ambisyong dumadagundong sa kalooban mo, magbubukas sila ng tanawin ng kung ano ba talaga dapat ang buhay—puno ng alab at layunin. 


Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Dream Big with Bob Goff

Matutunan kung paanong malinaw na itakda ang iyong mga mithiin para sa sarili. Tukuyin ang mga balakid na sumasagabal sa iyo. Magbalangkas ng tiyak na plano sa pag-abot ng mga layunin. Bumuo ng mga kasangkapang tutulong ...

More

Nais naming pasalamatan ang HarperCollins/Zondervan/Thomas Nelson para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyari pumunta sa: https://amzn.to/2UN6uWo

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya