Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Mangarap nang Malaki kasama ni Bob GoffHalimbawa

Dream Big with Bob Goff

ARAW 4 NG 7

Ang pagsasabi ng oo kahit gusto mo talagang magsabi ng hindi ay isang tunay na nakakapinsalang kaugalian. At ang mga kaugaliang umuupos sa iyo ay maaaring maglayo sa iyo sa iyong mga ambisyon. Bago ako ikasal, may masama akong ugali ng pag-iiwan ng mga damit ko sa isang upuan sa kuwarto ko. Pakiramdam ko ang ilang hakbang papunta sa aparador at pag-abot sa hanger ay masyadong matrabaho. Kalaunan, kapag ang lahat ng laman ng aparador ko ay nasa upuan na, lilipunin ko ang determinasyon na ibalik silang lahat sa tamang lagayan nila. Tapos uulit na naman ang seryeng iyon, dahil ang paglalagay ng mga gamit sa upuan ay nagsimula nang maging normal sa akin, kahit na hindi talaga iyon ang tamang lagayan ng mga damit ko.



Maaaring pamilyar sa iyo ito, o maaaring may sarili kang "upuan" na tinatambakan mo ng mga bagay sa buhay mo. Karamihan sa atin ay may mga aspeto ng buhay natin na talaga namang kakaiba, pero sa tagal na nating ginagawa ito ay pakiramdam natin ay normal na ang mga ito. Pero hindi dapat. Normal ang maghangad ng karaniwang palakad na nagdadala ng pakiramdam ng kaayusan sa ating mga araw. Itanong sa sarili kung ang iyong karaniwang palakad ay mabuti. Nararapat ba itong ulitin? Labis bang mahigpit ang pagkakahawak nito sa buhay mo, at nahahadlangan kang umabante sa mga mas bago, mas magagandang mga ambisyon mo?



Habang inaalis ang mga balakid sa landas at iniiwan na ang mga lumang karaniwang palakad, tapatang sikapin na unawain kung bakit mo ginagawa ang mga ginagawa mo. Kapag ginawa mo ito, maaring matanaw at madama mo na ang buhay mo ay naiiba at hungkag sa una. Baka makaramdam ka ng pagkailang at paninibago. Huwag kang umatras. Mabuti iyan. Ituloy mo lang. Ito ang mismong banayad na pagbabagong-ayos na kailangan ng isang tulad mong nangangarap. 



Baka kailangan mong magtapon ng ilang bagay na sinasagisag ng mga damit upang makalikha ng puwang sa isip mo o alisin ang mga nakatala sa iyong kalendaryo at gumugol ng kaunting panahon na walang paggambala upang makapag-isip ka. Baka kailanganin mong magkaroon ng isang tapatang pakikipag-usap sa asawa mo patungkol sa pagpapalit ng trabaho o pagbabago sa pananalapi ninyo. Siguradong kakailanganin mong humindi sa ilang bagay na sinang-ayunan mo—kahit mabubuting mga bagay. Kakailanganin mo ring biguin ang ilang taong umaasa sa iyong sumang-ayon. Maaaring maging lubos na mahirap ito kung ang mga tao ay nasanay na sa iyong magsabi ng oo o tinatapos mo na ang panunungkulan mong mag-boluntaryo sa isang napakagandang bagay upang mapasimulan mo na ang isang mas maganda pang bagay.


Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Dream Big with Bob Goff

Matutunan kung paanong malinaw na itakda ang iyong mga mithiin para sa sarili. Tukuyin ang mga balakid na sumasagabal sa iyo. Magbalangkas ng tiyak na plano sa pag-abot ng mga layunin. Bumuo ng mga kasangkapang tutulong ...

More

Nais naming pasalamatan ang HarperCollins/Zondervan/Thomas Nelson para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyari pumunta sa: https://amzn.to/2UN6uWo

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya