Gabay sa Kaligtasan sa Corona para sa mga Mag-asawaHalimbawa

Ang matatag na samahan ng mag-asawa ay umaasa sa pamayanan.
Miss na miss ko na ang aking mga kaibigan.
Pinagpala ako ng coronavirus ng mas maraming oras kasama ang aking asawa at mga anak na babae (na ikinagagalak ko), ngunit ito rin ay naging dahilan kung bakit ako ay may mas kakaunting oras na para sa aking mga kaibigan (na ikinamumuhi ko). Isang taon bago nito, ako at ang aking asawa ay nangakong maghapunan kasama ang tatlong iba pang mag-asawa na may pananampalataya at relasyong aming hinahangaan. Sa buwanang hapunang iyon, kami ay nagtatawanan (karamihan nito ay naangkop :) at nagtatanong nga maraming mga tapat na katanungan .
Kumusta na ba ang inyong buhay mag-asawa? Pinipili ba ninyo ang “Ikaw Muna”? Anong balita na ba tungkol sa usaping nailahad mo noong nakaraang buwan?
Masakit man aminin ang katotohanan ng kasalukuyang estado ng aking pagpapakumbaba, pinahahalagahan ko ang mga katanungang iyon. Ang mga ito ay nagbibigay paraan sa aking mga kaibigan/ kapwa mananampalataya na bigyan ako ng lakas ng loob, ipagdasal ako, at dalhin ako patungo sa krus ng aking Tagapagligtas, na namatay para rin sa mga asawang makasalanan. Naranasan ko ang katotohanan sa mga salita ni Santiago: “Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling.” (Santiago 5:16).
Naranasan na rin ba ninyo ang paggaling na ito?
Kung hindi, makipag-ugnayan sa inyong pamayanan. Maghanap ng mga mag-asawa na kilala at mahal ninyo, yung mag-asawa na mahal din kayo. Tanungin sila kung maaari ba kayong magpakatotoo tungkol sa tagumpay at kabiguan ng inyong relasyon. Magtiwala ka sa akin, maiintindihan nila ito. Kahit gaano ka perpekto sila sa paningin, lahat ng mag-asawa ay may mga problema, kahit na sa simbahan (isa naman talaga itong ospital para sa mga makasalanan kung tutuusin). Magpakatotoo ka sa kanila, at hingin ang kanilang mga panalangin at mga payo.
Gusto ng Diyos na tulungan at pagalingin kayo. Ayon kay Santiago, malamang ay gagawin Niya ito sa pamamagitan nila. Hindi sa pamamagitan ng apoy ng Banal na Espiritu na bumababa galing langit, ngunit sa pamamagitan ng mga mapagmahal na tugon ng mga nakikinig sa pagtatapat ninyo ng kasalanan.
Gusto ng kalaban na hindi ito mangyari. Ayaw niya ang espiritwal na paggaling. Kinasusuklaman niya ang mga mag-asawang inuuna ang isa't isa dahil alam nilang inuna sila ni Jesus sa krus. Magagalak siya ikung tatapusin ninyong basahin ang gabay na ito para lang ma-check ang huling kahon, at magpatuloy sa buhay na kayo lang.
Kaya biguin natin ang demonyo ngayo at makisama sa isa't isa. Ang Kristiyanong pananampalataya ay hindi tungkol sa pagpapahanga ng iba sa ating katatagan ngunit sa halip ay tungkol sa pag-asa natin sa iba sa ating mga kahinaan.
Dahil ang “iba” na iyon ay alam nang eksakto kung saan patungo tayo dadalhin. Pabalik kay Jesus. Pabalik sa krus. Pabalik sa pag-ibig na hindi nabibigo.
Panalangin ko na itong pagbibigay lakas-loob, at ang iba pang mga nauna rito, ay makatulong sa iyong pamilya upang malagpasan ang coronavirus. Sa katunayan, ako ay nananalangin ngayon na higit pa sa makaligtas lamang ang inyong magagawa.
Nanalangin ako na kayo'y umunlad. Sa ngalan ni Jesus.
Gusto mo pa ba ng tulad ng ganitong paksa? Subukan ang Cristo > Gabay sa Corona!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Mahirap na nga ang pagpapanatili ng magandang relasyon. Dumating pa ang coronavirus. Ang limang-araw na babasahing gabay na ito ay isang mabilisang kursong pang-espirituwal para sa iyo at sa iyong asawa upang hindi lamang mabuhay sa kabila ng coronavirus kundi umunlad sa gitna nito.
More