Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Gabay sa Kaligtasan sa Corona para sa mga Mag-asawaHalimbawa

The Corona Survival Guide for Couples

ARAW 2 NG 5

Paano ako makakatulong?

“Bentahan ng alak lumalakas!” ang ulat ng mga ulo ng mga balita sa internet.

“Nakita mo ba ang ulat ng paggamit ng porn ngayong pandemya?” nag-text ang isang kaibigan.

Bakit sa tingin mo ay napakaraming mga tao, kahit na mga Cristiano, ay napapatungo sa panandaliang kaligayahan ngayong panahon ng coronavirus? Maliban sa paglalasing at sekswal na imoralidad, marami sa atin ang natutuksong tawirin ang linya ng moralidad sa online na paggastos, pagsusugal, paglalaro, at pagkain. Bakit kaya ikaw? Bakit kaya ang iyong asawa?

Ayon sa maraming mga eksperto, mas malaki ang posibilidad na bumalik ang adik sa dating gawi kung sila ay gutom, galit, nalulungkot, pagod, at/o naiinip (GGLPI, kung ilarawan ng iba). May pakiramdam ako na ang acronym na ito ay nalalapat sa atin lahat bilang mga Cristiano.

At ang coronavirus ay gumawa ng isang natatangi at mapagtuksong panahon. Marami sa atin ay galit tungkol sa kawalan ng katiyakan sa ating buhay. Iniwanan tayo ng social distancing na malungkot habang naghahanap ng solusyon sa mga problema sa trabaho/simbahan/pamilya sa pamamagitan ng isang nagloloading na video feed na iniiwanan tayongpagod. Tayo ay nakapaglaro ng maraming board games kaysa dati, ngunit ang ating mga isipan aynaiinip.

Kaya hindi nakapagtataka kung bakit nakakaakit ang kasalanan.

Ngunit ito ang isa sa mga pinakamagandang biyaya ng pag-aasawa. Sa ating tabi, sa ilalim ng iisang bubong, may kasama tayo. Isang kapwa tao na(1)nakakaintindi at (2) nagmamalasakit nang lubusan. Gaya ng orihinal na intensyon ng Diyos, “Matapos gawin ang lahat ng ito, sinabi ng Panginoong Yahweh, 'Hindi mabuti na mag-isa ang tao; bibigyan ko siya ng isang angkop na makakasama at makakatulong.'" (Genesis 2:18).

Ito ay isa sa ating mga pinakadakilang tungkulin—ang tulungan ang ating asawa. 

Ang ating asawa ay hindi makapangyarihan tulad ng Diyos. Sila ay mahina, marupok, at madaling matukso. Nararamdaman nila ang bigat ng mga sitwasyong hindi nila kayang kontrolin at ang pagkabalisa sa mga problemang hindi nila kayang lutasin. Kung kaya sila ay labis na nagangailangan ng tulong, mula sa Diyos at mula sa atin.

Kaya't hayaan mo akong mag-alok ng dalawang pampalakas ng loob ngayon:

Una, magtanong ng matapat, tiyak, at mga ligtas na mga tanong sa iyong asawa. “Kumusta ka na ngayong araw? Talaga?” “Maraming mga tao ang nahihirapan dito at nalululong sa alak, sa pagkain o sa porn. Kumusta na nga ba para sa iyo?” Anuman ang kanilang sagot, huwag kang magagalit. (Ang mga galit na mga tao ay hindi mga matulunging tao.) Tandaan mo na ang iyong asawa ay kapwa mo tao, marahil ay isang kapwa kapatid kay Cristo, at sila ay nangangailangan ng iyong tulong. Kaya ialay mo ang iyong tulong. Kumustahin mo ang kondisyon ng kanilang mga kaluluwa sa kabila ng lahat ng mga kahirapang nangyayari.

Pangalawa, mag-alay ng panalangin. Hindi mo maaaring malutas lahat ng kanilang mga problema sa isang iglap, ngunit maaari kang makipag-usap sa Diyos na may kakayahang gawin ito. Sabihin sa kanila na ikaw ay magdarasal partikular sa kanilang hinaharap na problema. Isulat ang kanilang mga hiling at mangakong ipagdadasal ito sa darating na araw. Itala ito at idikit sa isang salamin sa banyo upang makita ninyong dalawa. Mas mabuti, mag-alay na ipagdasal ito sa sandaling iyon din. Pasalamatan ang Diyos sa kanyang habag sa krus. Humingi sa Diyos ng isang espiritu ng pagkontrol sa sarili.

Ito ay makakatulong. At ganito tayo para sa bawat isa—magkatulong.

Lalo na sa mga panahong tulad ngayon.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

The Corona Survival Guide for Couples

Mahirap na nga ang pagpapanatili ng magandang relasyon. Dumating pa ang coronavirus. Ang limang-araw na babasahing gabay na ito ay isang mabilisang kursong pang-espirituwal para sa iyo at sa iyong asawa upang hindi lamang mabuhay sa kabila ng coronavirus kundi umunlad sa gitna nito.

More

Nais naming pasalamatan ang Time of Grace Ministry para sa gabay na ito. Para sa karagdagan impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://timeofgrace.org/welcome-to-time-of-grace/?togipsrc=youversion&togpreselect=1-2