Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Gabay sa Kaligtasan sa Corona para sa mga Mag-asawaHalimbawa

The Corona Survival Guide for Couples

ARAW 1 NG 5

Ang #1 na bagay na dapat gawin ng mga mag-asawa

Ang pagkakaroon ng maayos na relasyon ay mahirap na noon pa.

Ang pagkakaroon at pagpapanatili ng ikaw-muna, makinig-agad, at papaano-ako-makakatulong na relasyon ay nangangailangan ng pagsisikap at enerhiya tulad ng ibang mga bagay sa buhay. Karamihan sa atin, ang araw-araw na pagdedesisyon na mahalin ang ating kahati tulad ng pagmamahal ni Jesus sa atin ay isa sa mga pinakamahirap/pinakamagandang desisyon na natutunan nating gawin.

Pagkatapos ay tumama ang coronavirus.

Ilang linggo lamang ang nakalipas, ang dating mahirap ay lalong naging mas mahirap. Ang mga mag-asawa ay napilitang magsama sa maliliit na mga lugar, madalas humihinga ng parehong hangin. Wala na ang mabilisang internet ng opisina, pinalitan na ng mabagal na takbo ng Wi-Fi sa bahay, na nakakahilong tingnan paikot-ikot habang ang asawa ay naka-Zoom sa kanyang mga katrabaho at ang isa naman ay nag-uupload ng video ng trabaho sa Google Drive. Napuno ang ating matamis na tahanan ng mga bagong katanungan: Sino ang gagamit ng komportableng silya para sa kanyang “opisina”? Sino dapat ang tatahimik para sa kaninong mga video chats? Sinong magulang ang may responsibilidad na basahin lahat ng mga email tungkol sa ikaanim na baitang na virtual learning? Paano kaya ang pagtatalik kung saan ang mga anak ay hindi pwede lumabas ng bahay (at kinatatakutan natin ang mga mikrobyong dala sa bahay ng katawan ng mga essential workers)?

Pwede ko pang ipagpatuloy.

Kung ikaw ay nasa relasyon, ito ay isang nakakatakot at panibagong mundo. May mga bagong katanungan, bagong pag-uusapan, at bagong mga hamon na kailangan harapin.

Dahil diyan kaya ginawa ko ang mga gabay na ito. Umaasa ako na ang mga sumusunod na araw ay maging isang espirituwal na mabilisang pag-aaral para ikaw at ang iyong ________ (ilagay ang malambing na palayaw mo sa kanya) ay hindi lang malalagpasan ang coronavirus kundi pati na rin ang pagtubo ng inyong relasyon sa gitna nito.

Kaya ito ang aking unang pampasigla—Hanapin ninyo ang Diyos.

Noong 2003, panahon na ang corona ay pangalan lamang ng isang alak, tumayo ako sa harap ng altar kasama ang aking mapapangasawa habang ang aming pastor ay nagpinta sa aming isipan ng isang simple ngunit malalim na imahe ng isang mabuting buhay mag-asawa. Sinabi niya na, “Isipin ninyo na may tatsulok kung saan ang Diyos ay nasa ibabaw at kayong dalawa ang nasa babang mga sulok. Habang bawat isa sa inyo ay nagiging malapit sa Diyos [ang kanyang mga daliri ay ginalaw niya patungo sa ibabaw ng kanyang nilikhang tatsulok habang sinusunod ang linya], hulaan ninyo kung anong mangyayari sa inyo? Kayo ring dalawa ay magiging mas malapit sa isa't-isa. Ang pagiging malapit sa Kanya ay pagiging malapit sa isa't-isa.”

Napakatalino. At tinuruan ako ng mga karanasan ko na tama siya.

Habang mas lalo tayong napapalapit sa Diyos, lalo ring nababago ang ating buhay ng Kanyang grasya. Sa tuwing hinahanap natin Siya sa Kanyang Salita, nakikita natin na ang ating Diyos ay mapagmahal, mabait, mapagpatawad, matiyaga, banal, mapagpakumbaba, mabuti, at maluwalhati. Sa pamamagitan ng pagninilay sa mga kabanata at bersikulo, tayo ay lalong napapaniwala na tayo ay mahal ng Ama, Ginawang dalisay ng ating Tagapagligtas, at napunan ng Kanyang Espiritu. Bawat araw, nagiging sapat ang Diyos para sa atin, nagbibigay-kasiyahan sa ating mga kaluluwa at nagpapalaya sa atin mula sa pangit na pangangailangan na makuha ang ating gusto, kung kailan natin gustuhin.

Sinulat ni Haring David, “Kay Yahweh mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan” (Mga Awit 37:4).

At ito, ito pala, ang nagbubunga ng isang mabuting buhay mag-asawa. Lalo na sa mga panahon na tulad ngayon.

Lalo nating susuriin ang ideyang ito sa mga sumusunod na mga araw, pero sa ngayon, hayaan mo akong hikayatin ka gamit ang payo ng aking pastor at ng inspiradong mga salita ni David—Hanapin mo ang Diyos. Matuwa ka sa Kanya. Magnilay kung sino si Jesus at kung ano ang ginawa Niya. Gumawa ng talaan at unahin ang oras palayo sa listahan ng mga gawain upang mapalapit sa puso ng iyong Ama.

Alam ko na nayayanig ang mundo. Ang mga lumang pamamaraan ay nahawahan at ngayon ay naghihingalo na. Maaaring ikaw ay nagmamadaling matapos ang iyong araw. Ngunit kung hahanapin mo muna ang Diyos, nalalaman mo na nasa puso mo lang pala ang iyong kinakailangan. Sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesus, ikaw ay kailangang mailigtas—at nailigtas ka na nga. Kailangan mong mahalin—at minamahal ka nga. Kailangan mo ng kapatawaran— at ito'y binibigay sa iyo. Kinakailangan mo ng plano —at mayroon nga para sa iyo. Kailangan mo ng pag-asa na lahat ay maaayos din—at mangyayari nga ito. Kailangan mo ng higit sa karaniwang kapangyarihan upang i-tsek lahat ng mga kahon ng Diyos sa Kanyang listahan ng mga gawain para sa iyo—at binigyan ka nga nito.

Kaya labis akong nagpapasalamat na binabasa mo ang mga salitang ito. Ibig sabihin na, kahit sa gitna ng kabaliwang ito, may pagmamalasakit ka sa iyong ugnayan sa Diyos. Magpatuloy kang magbasa. Magpatuloy kang magalak sa Kanyang mga pangako.

Sinabi minsan ni Jesus, “Ngunit higit sa lahat ay pagsikapan ninyo na kayo'y pagharian ng Diyos at mamuhay nang ayon sa kanyang kalooban, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan.” (Mateo 6:33).

Dahil ang paghahanap sa Diyos ng pag-ibig ay napupunta sa pagmamahal. Pagmamahal kay Jesus. Pagmamahal sa isa't isa.

At iyon ang kailangan natin upang lumago.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

The Corona Survival Guide for Couples

Mahirap na nga ang pagpapanatili ng magandang relasyon. Dumating pa ang coronavirus. Ang limang-araw na babasahing gabay na ito ay isang mabilisang kursong pang-espirituwal para sa iyo at sa iyong asawa upang hindi lamang mabuhay sa kabila ng coronavirus kundi umunlad sa gitna nito.

More

Nais naming pasalamatan ang Time of Grace Ministry para sa gabay na ito. Para sa karagdagan impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://timeofgrace.org/welcome-to-time-of-grace/?togipsrc=youversion&togpreselect=1-2