Gabay sa Kaligtasan sa Corona para sa mga Mag-asawaHalimbawa

Ang “Ikaw Muna!” ay ginagawa tayong mapalad.
Ilang taon na ang nakalipas, kumuha ako ng isang itim na marker at nagdesisyong bigyan ng "dekorasyon" ang dalawang mapuputing unan sa aming kama.
(Siguro ay dapat tinanong ko muna ang aking asawa bago ko inilabas ang aking D+ na kakayahan sa sining. . .)
Sa isang unan isinulat ko “Ikaw” at sa isa ay “Muna.” Gusto ko na ang aming kwarto, ang simbolo ng aming pamumuhay nang magkasama bilang mag-asawa, ay magkaroon ng mensahe nang harapan—Ikaw Muna.
Pagkatapos ng 16 na taong buhay mag-asawa, itinuro sa akin ng Diyos (madalas sa mahirap na paraan) na ang “Ikaw Muna!” ay ginagawa tayong mapalad at ang “Ako Muna!” ay gumagawa ng gulo. Sa tuwing nangingibabaw ang aking sarili— aking mga kagustuhan, mga opinyon, mga plano, mga talakdaan, aking tiyempo—ang aming buhay mag-asawa ay nagiging magulo. Ngunit sa tuwing inuuna ko ang aking asawa, pareho kaming nagiging mapalad.
Ang karunungang ito ay napakaimportante habang tayo lahat ay nagsisikap lagpasan ang coronavirus.
Dahil ang corona ay nagbibigay ng mga bagong bagay na hindi natin pagkakasunduan. Anong mga pag-iingat ang magagawa natin sa pagbubukod ng sarili? Tayo ba dapat ay magtipon-tipon kasama ang iilang mga miyembro ng pamilya para sa isang kaarawan? Sino ba dapat ang magtatrabaho sa bahay, kailan at gaano katagal? Gaano kalinis ba dapat ang ating tirahan kung palagi tayong nasa loob nito 24/7? Sino ba dapat ang tutulong sa mga anak sa kanilang mga gawain para sa eskuwela habang ginagawa ang sariling trabaho? Gaano katagal ba magiging matalik ang ating relasyon sa stress na ating hinaharap? Kailan ba natin isasantabi ang ating mga gadget upang mag-usap? At sino ang magluluto para sa walang katapusang, tulungan-ako-ng-Diyos! na kainan?
Naranasan mo na ba ito?
Bawat pagkakaiba sa opinyon ay isang pagkakataon na (1) gumawa ng gulo o (2) gawin tayong mapalad.
Makinig ka sa paggabay ng Diyos: “Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa paghahangad ninyong maging tanyag; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.” (Mga Taga-Filipos 2:3-4).
Alam kong mahirap gawin ito. Ang makasariling bahagi ng ating mga puso ay laging naghahanap ng isa o dalawang rason (o 128) kung bakit dapat “ako” naman ang dapat mauna. Ngunit gusto ng Diyos ang biyayang pangmatagalan na nanggagaling sa saglit na sakripisyo. Kaya tinatawag Niya tayo para piliin at ipamuhay ang “Ikaw Muna!” na pamumuhay.
Pero huwag kang mag-aalala—tutulungan ka ni Jesus. Pagkatapos ng mga mapanghamong mga salitang ito, kaagad nating maririnig ang tungkol sa Tagapagligtas na inuna tayo. Basahin mo ang Mga Taga-Filipos 2:5-10 para sa katibayan. Sa kabila ng kanyang likas na katangian bilang Diyos, si Jesus ay nagpakumbaba at naging ating tagapaglingkod. Minahal Niya ang mga mababang tao tulad mo, nagbigay oras sa mga hindi mahahalagang tao tulad ko, at kalaunan ay ipinako sa krus upang unahin tayo.
At pinagpala tayo dahil dito!
Dahil inuna tayo ni Jesus, kasama natin ang Diyos saan man tayo umupo. Nasa sa atin ang Kanyang kahanga-hangang pag-ibig na hindi papayag na mawala tayo, kahit kailangan pa nating dumistansya sa isa't-isa. Sa silid kung saan ka naroon (kinakausap kita, anak ng Diyos!), nariyan ang Diyos na lumikha ng sanlibutan! Ganyan Siya kalapit! Ang maluwalhating Diyos ay kasama mo!
Dahil inuna ka ni Jesus.
Paano natin mapapasalamatan ang Diyos para sa pagmamahal na tulad niyan? Narito ang isang mungkahi: “Mga minamahal, dahil ganoon kadakila ang pag-ibig ng Diyos sa atin, dapat din tayong magmahalan." (1 Juan 4:11).
Talagang pagpapalain kayo kung itutuon mo ang iyong mga mata kayJesus at pagkatapos ay sasabihin mo sa iyong asawa na, “Ikaw Muna!”
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Mahirap na nga ang pagpapanatili ng magandang relasyon. Dumating pa ang coronavirus. Ang limang-araw na babasahing gabay na ito ay isang mabilisang kursong pang-espirituwal para sa iyo at sa iyong asawa upang hindi lamang mabuhay sa kabila ng coronavirus kundi umunlad sa gitna nito.
More