Pasko ng Pagkabuhay: Kung Nakakapagsalita ang LibinganHalimbawa

Talo ka
Lahat tayo ay lumalaban nang husto upang maging mahalaga ang ating buhay. Lahat tayo ay gustong mag-iwan ng maipapamana. Nais nating lahat na iwanan ang mundo na isang mas magandang lugar at bigyan ang ating mga anak ng mas magandang buhay. Ngunit paano kung ang buong bagay na ito ay walang halaga sa huli? Paano kung lahat tayo ay mamatay, at pagkatapos ang lahat ay magiging walang kabuluhan? Lahat tayo ay may mga kaisipang iyon sa buong buhay natin. Sa gitna ng ilan sa mga pinakamahihirap na laban na ating hinarap, naisip nating lahat, “Magbabago ba ito? Kelan ba ako makakaahon sa sitwasyon ko sa pananalapi? Maibabalik pa ba sa normal ang relasyon naming mag-asawa? Mawawala pa ba ang adiksyon na ito?” May takot at kawalan ng pag-asa. May takot sa pagiging talunan. (Tingnan mo ang iyong sarili sa salamin, gamit ang iyong hintuturo at hinlalaki upang gumawa ng “L” at ilagay ito sa iyong noo.) Kung makakapagsalita ang libingan, sasabihin nitong, “Tapos na ang Laban. Talo ka na.”
Ngunit nariyan si Jesus, ang taong nanalo sa pangwakas na labanan. NAPAGTAGUMPAYAN ni Jesus ang kamatayan. Dinaig ni Jesus ang libingan. Hindi tayo matatalo, dahil hindi natalo si Jesus. Habang sumusunod tayo kay Jesus, sumusunod tayo sa tagapagligtas na siyang tunay na nagwagi. At kabilang tayo sa Kanyang pangkat. Pinili Niya tayo. Pinili ka Niya. Magiging hangal ka kung hindi ka sasali sa pangkat na nanalo na sa digmaan. “Sinasabi ng Kanyang libingan, “Panalo ka.”
MANALANGIN: “Jesus, gusto kong mapabilang sa Iyong pangkat. Isinusuko ko ang aking buhay sa Iyong kalooban. Ayokong lumaban sa sarili kong laban. Kailangan kong lumaban Ka sa ngalan ko. Jesus, salamat sa pagbangon Mo mula sa libingan!”
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Lahat tayo ay may pinagkakapare-pareho. Tayo'y mamamatay. Ako ay mamamatay. Ikaw ay mamamatay. Matatalo ka ng kamatayan. Hindi mo ito maiiwasan, madadaya, maililihis o mapapalaho. Ngunit nariyan si Jesus, ang taong tumalo sa kamatayan. Nabuhay na mag-uli si Jesus at tinalo ang kamatayan. Kapag si Jesus ay nagsasalita, ang libingan ay nagsasalita.
More









