Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pasko ng Pagkabuhay: Kung Nakakapagsalita ang LibinganHalimbawa

Easter: If the Grave Could Talk

ARAW 4 NG 6

Lahat ng Mahalaga ay NGAYON

Iyo ang mundo. YOLO. Isang beses ka lang mabubuhay. Mahilig ka sa mga tanong tungkol sa iyong tagumpay ngayon. Ano ang iyong net worth? Ano ang nagawa mo sa buhay? Magkano ang retirement account mo? Anong mga parangal ang napanalunan mo? Gaano kalayo ka na umakyat sa hagdan ng korporasyon? Anong mga bakasyon at karanasan ang naibigay mo sa iyong mga anak? Ang mahalaga ay ngayon. Gumugugol ka ng 17-20 taon sa paaralan at 40-50 taon sa pagtatrabaho upang makuha ang pangarap na Amerika. At pagkatapos ay ano? Aba, mamatay ka na. Maiiwan ang iyong mga gamit at pinagtatalunan ng mga tao kung sino ang makakakuha ng ano. Tulad ng pag-aaway mo at ng iyong pamilya tungkol sa alahas ni lola o koleksyon ng kagamitan ni lolo. Naisip mo na ba 'yan? Ginugugol mo ang iyong buong buhay sa paglikha ng isang imbentaryo ng mga bagay na hindi mo maaaring dalhin kapag namatay ka. Kung makapagsalita ang libingan, sasabihin nitong, “Ang mahalaga ay NGAYON.”

Ngunit nariyan si Jesus, ang taong tumalo sa libingan. Si Jesus, na ang tahanan ay nasa langit, ay pinili na sumama sa atin sa lupa pansamantala. Ito ay isang paghinto lamang sa Kanyang paglalakbay. Nabuhay si Jesus sa lupa sa loob ng 33 taon at pagkatapos ay sumama sa Kanyang Ama sa langit. Hindi Siya nagtagal dito, dahil ang buhay na ito ay pansamantala lamang. Ang mga bagay na naipon natin ay hindi mahalaga pagdating natin sa Langit. Ang mahalaga lang ay magkaroon tayo ng kaugnayan kay Jesus, at ginawa natin ang abot ng ating makakaya upang itaas ang Kanyang pangalan habang tayo ay narito sa lupa. Ang panghabang-buhay ay mas mahalaga kaysa ngayon. Ang sabi sa Kanyang libingan ay “Ituon mo ang iyong mga mata sa kawalang-hanggan, at ang iyong puso sa langit.”

MANALANGIN: “Jesus, napakahirap na hindi isipin ang pangarap na makarating sa Amerika. Tulungan akong isipin ang tungkol sa Iyo nang higit pa sa iniisip ko tungkol sa aking mga bagay at mga nagawa. Jesus, gusto kong Ikaw ang maging lahat ng kailangan ko.”

Tungkol sa Gabay na ito

Easter: If the Grave Could Talk

Lahat tayo ay may pinagkakapare-pareho. Tayo'y mamamatay. Ako ay mamamatay. Ikaw ay mamamatay. Matatalo ka ng kamatayan. Hindi mo ito maiiwasan, madadaya, maililihis o mapapalaho. Ngunit nariyan si Jesus, ang taong tumalo sa kamatayan. Nabuhay na mag-uli si Jesus at tinalo ang kamatayan. Kapag si Jesus ay nagsasalita, ang libingan ay nagsasalita.

More

Nais naming pasalamatan ang Stonecreek Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://www.stonecreek.church