Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pasko ng Pagkabuhay: Kung Nakakapagsalita ang LibinganHalimbawa

Easter: If the Grave Could Talk

ARAW 3 NG 6

Ikaw ay Mag-iisa Magpakailanman 

Kapag naiisip ko ang kamatayan, dalawang bagay ang pinaka-nakakatakot sa akin: ang hindi ko batid at ang pag-iisa. Simula sa murang edad, karamihan sa atin ay ayaw nang mag-isa. Lumaki ako sa isang malaking pamilya na may tatlong kapatid na babae at isang kapatid na lalaki. Ako ang bunso. Huwag mo akong husgahan. Gustung-gusto kong kasama ang aking mga kapatid na babae, ngunit ayaw kong pumasok sa aking silid sa gabi noong bata pa ako dahil ayaw kong mag-isa. Kahit ngayon, sinusubukan at kinukumbinsi ako ng aking mga anak na hayaan silang matulog sa aming kama dahil ayaw nilang mag-isa. Ngunit kahit na tayo ay tumatanda, mayroon tayong takot na mag-isa, hindi ba? Kailan ka huling nakaramdam ng pag-iisa? Kailan mo naramdaman na walang nagmamalasakit sa iyo? Ang huling beses na dumaan ang isang kaarawan o pista opisyal at hindi ka nakatanggap ng tawag sa telepono o text message? Nakakalungkot ang pakiramdam. Kung makapagsalita ang libingan, sasabihin nitong, “Mag-iisa ka magpakailanman.”

Ngunit nariyan si Jesus, ang taong tumalo sa libingan. Ang tagapagligtas ng mundo na nangako na hindi tayo iiwan o pababayaan. Nangako Siyang mananatili sa tabi natin magpakailanman. Sa pagpili mong sundin si Jesus, pumasok ka sa isang panghabang-buhay na pakikipagkaibigan na mananatili sa tabi mo magpakailanman, kahit pagkatapos ng kamatayan. Si Jesus ay lalaban para sa iyo. Dadalhin ka ni Jesus. May kakaibang pangako Siya para sa iyo at sa  akin  habang naglalakad tayo sa ating buhay at sinasabi ng Kanyang libingan, “Hindi ka na muling mag-iisa!”

MANALANGIN: “Jesus, kailangan kita ngayon nang higit kaysa dati. Gusto kong maramdaman ang presensya Mo sa akin at sa paligid ko. Pasanin Mo ako sa mahihirap na panahon. Salamat sa pagiging nasa tabi ko magpakailanman.”

Tungkol sa Gabay na ito

Easter: If the Grave Could Talk

Lahat tayo ay may pinagkakapare-pareho. Tayo'y mamamatay. Ako ay mamamatay. Ikaw ay mamamatay. Matatalo ka ng kamatayan. Hindi mo ito maiiwasan, madadaya, maililihis o mapapalaho. Ngunit nariyan si Jesus, ang taong tumalo sa kamatayan. Nabuhay na mag-uli si Jesus at tinalo ang kamatayan. Kapag si Jesus ay nagsasalita, ang libingan ay nagsasalita.

More

Nais naming pasalamatan ang Stonecreek Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://www.stonecreek.church