Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pasko ng Pagkabuhay: Kung Nakakapagsalita ang LibinganHalimbawa

Easter: If the Grave Could Talk

ARAW 1 NG 6

Matatalo Ka ng Kamatayan

Kung makapagsalita ang libingan, ano ang sasabihin nito? Lahat tayo ay may pagkakapare-pareho. Tayo'y mamamatay. Ako ay mamamatay. Ikaw ay mamamatay. Mangyayari ito balang araw. Matatalo ka ng kamatayan. Hindi mo ito maiiwasan, madadaya, o mapapalaho. Ang ilan sa atin ay maraming taon pa sa harap natin. Ang ilan sa atin ay nakatitig na sa kamatayan sa mga mata. Medyo hindi maganda, ngunit iniisip nating lahat ang tungkol sa kamatayan, hindi ba? Natatakot ka ba dito? Nag-aalala ka ba sa kamatayan? Mayroon ka bang bangungot, kung saan ka magigising bago matapos ang iyong buhay? Ito ay natural. May simula at wakas ang pisikal na buhay. Ayoko sa pagkatalo. Ayokong iwagayway ang puting bandila. Ayokong matalo. At sigurado akong hindi mo rin gusto ito. Ganun ba ang kamatayan? Kung makapagsasalita ang libingan sasabihin nito, “Matatalo ka ng kamatayan.”

Ngunit nariyan si Jesus, ang taong tumalo sa libingan. Nabuhay na muli si Jesus at tinalo ang kamatayan. Nasa ilalim Niya ang kamatayan. Binago ni Jesus kung ano ang sasabihin ng libingan. Kapag si Jesus ay nagsasalita, ang libingan ay nagsasalita. Ang libingan ni Jesus ay nagbibigay ng pag-asa sa bawat isa sa atin. Sinasabi Niya sa atin na hindi kailangang talunin tayo ng kamatayan kung mayroon tayong kaugnayan sa Kanya. Sinasabi Niya sa atin na hindi tayo matatalo. Si Jesus ang pinakakampeon. Sinusunod natin ang Tagapagligtas na lumaban sa kamatayan at sa libingan. Ang Kanyang libingan ay nagsasabing, “Ang kamatayan ay hindi magkakaroon ng huling salita.”

MANALANGIN: “Jesus, tulungan Mo akong maniwala at magtiwala na natalo Mo na ang kamatayan. Ayokong matakot sa kamatayan. Gusto kong maniwala sa Tagapagligtas ng mundo na tumalo sa kamatayan.”

Tungkol sa Gabay na ito

Easter: If the Grave Could Talk

Lahat tayo ay may pinagkakapare-pareho. Tayo'y mamamatay. Ako ay mamamatay. Ikaw ay mamamatay. Matatalo ka ng kamatayan. Hindi mo ito maiiwasan, madadaya, maililihis o mapapalaho. Ngunit nariyan si Jesus, ang taong tumalo sa kamatayan. Nabuhay na mag-uli si Jesus at tinalo ang kamatayan. Kapag si Jesus ay nagsasalita, ang libingan ay nagsasalita.

More

Nais naming pasalamatan ang Stonecreek Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: http://www.stonecreek.church