Pasko ng Pagkabuhay: Kung Nakakapagsalita ang LibinganHalimbawa

Ang Kadiliman ay Tatagal Magpakailanman
Lahat tayo ay nagkaroon ng mga panahon ng kawalan ng pag-asa, pagkabigo, hinanakit, at paghihiwalay. Ang madilim na sandali, madilim na panahon, at madilim na pag-iisip ay nagpadilim sa ating mga araw. Pinapatay ng dilim ang saya. Ang kadiliman ay nagpapasiklab ng takot. Ang dilim ang nagdidikta sa ating pag-uugali. Isang madilim na araw ang nagpapalabo sa ating kalooban. Mas mabilis dumarating ang kadiliman sa taglagas na may Daylight savings. Walang gustong maglakad sa madilim na bahay mag-isa. At pagkatapos, isinara nila ang kabaong. Ikaw lang at ang iyong kadiliman. Ikaw at ang iyong pinakamalalim na takot. Magpakailanman. Hindi ka na muling makakakita ng liwanag. Hindi mo na mararanasan muli ang saya. Mabubuhay ka sa paghihirap ng kadiliman araw-araw. Anong dating nito sa 'yo? Nababalisa ka ba nito? Bumalik at basahin ang ikalawang araw. Kung makapagsasalita ang libingan, sasabihin nito, “Ang kadiliman ay mananatili magpakailanman.”
Ngunit nariyan si Jesus, ang liwanag na tumalo sa kadiliman. Sa ikatlong araw, sa liwanag ng bukang-liwayway, sina Maria at Pedro ay pumasok sa libingan. Wala na si Jesus. Si Jesus ay hindi patay. Si Jesus ay buhay! Ang liwanag ng mundo ay nagpatunay sa lahat na ang kadiliman ay hindi katumbas ng Kanyang liwanag. Ang liwanag na ito ang ating liwanag, at ang ating kadiliman ay nawala! Sinasabi ng Kanyang libingan, “Ang Aking liwanag ay ang buhay ng mga tao.”
MANALANGIN: “Jesus, kapag madilim ang aking buhay, pakiusap, hayaang sumikat ang Iyong liwanag sa bawat bitak at siwang. Jesus, bigyan Mo ako ng buhay ng Iyong liwanag.”
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Lahat tayo ay may pinagkakapare-pareho. Tayo'y mamamatay. Ako ay mamamatay. Ikaw ay mamamatay. Matatalo ka ng kamatayan. Hindi mo ito maiiwasan, madadaya, maililihis o mapapalaho. Ngunit nariyan si Jesus, ang taong tumalo sa kamatayan. Nabuhay na mag-uli si Jesus at tinalo ang kamatayan. Kapag si Jesus ay nagsasalita, ang libingan ay nagsasalita.
More
Mga Kaugnay na Gabay

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

Mag One-on-One with God

BibleProject | Mga Sulat ni Pablo

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

Sa Paghihirap…

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

BibleProject | Mga Sulat ni Juan
