Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Hindi Natatakot: Paano Tumutugon ang mga Cristiano sa KrisisHalimbawa

Not Afraid: How Christians Can Respond to Crises

ARAW 3 NG 5

Tayo ay nakahandang magsakripisyo, hindi maging makasarili. 



Sa gitna ng mga pandemya, likas na kalamidad, o iba pang mga krisis, natural lamang na gustuhing mag-imbak nang sobra-sobra ng mga gamit at isipin ang sarili muna natin. At bagama't hindi naman maling mag-ingat at maglaan para sa sarili at sa iyong pamilya, bilang mga tagasunod ni Cristo, tinatawag tayong maging handang magsakripisyo, hindi maging makasarili. 



Suriin kung anong isinulat ni Pablo tungkol dito: 



Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa paghahangad ninyong maging tanyag; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili. Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo Jesus. Mga Taga-Filipos 2:3-5 RTPV05



Kung sinasabi nating sumusunod tayo kay Jesus, ngunit ang mga buhay natin ay hindi tulad ng buhay ni Jesus—kailangang tanungin natin ang mga sarili natin kung talagang sumusunod tayo kay Jesus. 



Sa panahon ng krisis, maraming tao ang babaling sa sarili. Mag-iimbak sila ng mga gamit, itatago ang mga sarili nila, at magtatago ng sobra-sobra ng kanilang yaman. Bagama't walang mali sa pagiging handa, bilang bahagi ng katawan ni Cristo, uunahin natin ang iba. 



May pagkakaiba ang matalinong paghahanda at ang makasariling pag-iimbak. Kapag may pandemya o biglang pangangailangan sa iyong lugar, kailangan talagang sundin ang mga alituntunin mula sa mga opisyal ng gobyerno at ng kalusugan. Kailangang makinig sa mga matalinong payo at ihanda ang sarili at ang mga mahal sa buhay ninyo. 



Isipin na lamang ninyo ang Iglesia noong unang panahon. Patuloy silang nagsasama-sama. Ipinagbibili nila ang kanilang mga ari-arian at personal na pag-aari upang matugunan nila ang pangangailangan sa kanilang pamayanan. Hindi ito tumutukoy sa gusali ng iglesia. Ito ay tungkol sa mga tao. 



Bilang mga tagasunod ni Jesus, tayo ang Iglesia. Anuman ang nangyayari sa mundo natin, tinatawag tayo upang manguna sa lubos na pagkabukas-palad. Tinatawag tayo upang maging Iglesia sa pamamagitan ng pagmamahal tulad ng pagmamahal ni Jesus sa mga nakapaligid sa atin. 



Nagbabahagi tayo sa mga nangangailangan. Handa tayong gawin kung ano ang mabuti. Iniisip natin ang iba bago ang sarili natin.



Hindi makasarili si Jesus. Siya ay handang magsakripisyo. Ibinigay Niya ang buhay Niya upang matagpuan natin ang sa atin. Bilang mga tagasunod Niya, nangunguna tayo—lalo na sa panahon ng biglang pangangailangan—sa pagiging handang magsakripisyo, hindi sa pagiging makasarili. 



Manalangin: Diyos ko, salamat sa pagpapadala Mo kay Jesus bilang isang ganap na sakripisyo para sa aming mga kasalanan. Tulungan Mo akong sumunod sa halimbawang iyon sa pamamagitan ng pagiging handa sa pagsasakripisyo, hindi sa pagiging makasarili. O Diyos, ipakita Mo sa akin ang mga pagkakataon kung saan ako maaaring maglingkod sa iba at maibahagi ang Iyong pagmamahal. Sa pangalan ni Jesus, amen. 


Araw 2Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Not Afraid: How Christians Can Respond to Crises

Kapag ang isang krisis ay nangyayari sa ating mundo, madaling kuwestyunin ang ating pananampalataya, at mahirap palitan ang pagkakagulong kinakaharap natin ng kapayapaan na ipinangako sa atin bilang mga taga-sunod ni Jes...

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya