AntiVirus: Paanong Haharapin ang Panahong Ito Nang Walang TakotHalimbawa

Sa buong mundo, ang mga taong katulad mo at katulad ko, ay naaapektuhan ng kawalang-katiyakan, takot at para sa ilan, ng kaguluhan. Ngayon higit kailanman, ang natatakot na mundong ito ay nangangailangan ng isang Diyos na walang takot. Nakatira ako sa timog Aprika, at ang aming bansa ay may napakataas na bilang ng krimen, may isa sa pinakamataas na bilang ng HIV/AIDS sa buong mundo at ang takot ay naghahari sa paligid.
Ang pinakamalaking labanang kinakaharap ng sangkatauhan ay hindi ang Coronavirus; sa halip ay ang takot na nalilikha nito kapag tayo ay nakikinig sa mga nakakatakot na kuwento. Ang takot ay isang tugon sa isang sitwasyong kinaroroonan natin o maaaaring puntahan. Ito ay lumilikha ng tugon sa ating mga emosyon at katawan kung saan tayo ay nababalisa at maaaring magkasakit. Sa madaling salita, ang takot ay maaaring manalanta sa ating buhay.
Sa Jeremias 30:5, sinasabi ng Panginoon sa kanya, "Narinig ko ang sigaw ng isang takot na takot, ng isang nasindak at walang kapayapaan." Hindi nagulat ang Panginoon sa COVID-19. Kung tayo man ay nagulat, may pagpili pa rin tayong kailangang gawin. Maaari tayong bumaling sa Panginoon at sukatin ang ating pagtugon mula sa paggabay ng Espiritu Santo at ng Biblia, o maaari tayong mataranta at matakot.
Anong patungkol sa COVID-19 ang nagbibigay sa iyo ng takot? Ang takot na mahawa, takot na magkasakit, takot na hindi tanggapin o takot sa pagkawala? Marami pang ibang takot. Dalhin ang mga ito sa Panginoon sa pamamagitan ng panalangin at piliing ilagay ito sa Kanyang paanan. Huwag magkunwari, sa halip ay dalhin ang mga ito sa Kanyang liwanag at hayaan Siyang bigyan ka ng kaginhawahan at karunungan.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Maaaring mabuhay nang walang takot sa gitna ng gulo at pag-aalinlangan. Sa debosyonal na ito, isinisiwalat ni Mandi Hart ang mga takot na nakakahadlang sa iyong buhay at pagkatapos ay inaanyayahan kang yakapin ang isang wastong pananaw sa mga araw na puno ng pagsubok.
More