Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Maligaya & Maliwanag: Pagdiriwang ng Pasko Araw-arawHalimbawa

Merry & Bright: Celebrating Christmas Every Day

ARAW 7 NG 7

Maniwala sa Mahika ng Pasko



“Igagalang ko ang Pasko sa aking puso, at susubukang panatilihin ito sa buong taon.” – Charles Dickens



Mayroong isang bagay na mahiwaga tungkol sa ganitong panahon ng taon. Kahit na nahihirapan ang mga tao dahil sa kapaskuhan, mayroon pa rin silang pag-asa kahit papaano at sa ilang paraan, ang taong ito ay magiging kakaiba. Ngunit, ang totoong mahika ay wala sa mga kasiyahan na nakapalibot sa sagradong piyesta na ito, ito ay nasa pamumuhay para sa isang bagay na higit pa sa ating mga sarili. 



Sa pagsapit ng Enero at sa mga sumusunod na buwan, maaari nating dalhin ang mga ideya sa Gabay na ito sa pamamagitan ng pagiging mapanadya. Ang mga dekorasyon ay maitatabi at ang mga pangit na mga damit panlamig ay maitatago, ngunit ang init na dala ng Pasko ay maaaring manatili. Kailangan lang nating magsikap upang mapanatili ang mga sarili natin sa kung ano tayo mula Enero hanggang Oktubre na nakikita natin tuwing Nobyembre at Disyembre. 



Ang pinakamakapangyarihang bagay na magagawa natin upang mapanatili ang ating mga puso na buhay at umuunlad sa buong taon ay ang linangin ang isang pusong nagpapasalamat. Sinabi ni St. Francis ng Assisi, “Nasa pagbibigay kaya tayo ay tumatanggap.” Kapag tayo ay nagbibigay, sa katunayan tayo ay tumatanggap.



Hindi natin kailangang hintayin ang panahon ng Pasko upang makagawa ng isang pagbabago sa buhay ng isang tao. Kapag binubuksan natin ang ating mga palad sa Langit at pinakakawalan ang mahigpit na pagkakahawak sa mga bagay na madalas nating iniidolo, tayo ay nagiging isang daluyan na gagamitin ng Diyos upang maapektuhan ang iba. Paano kung ang mga pagpapalang natatanggap natin sa mundo ay nailaan para pagpalain ang iba? Kaya…



Magsulat ng maikling sulat.

Tulungan and kaibigan.

Magpadala ng text.

Bisitahin ang may sakit.

Magsilbi sa Simbahan.

Magbigay ng mga bulaklak.

Magplano ng hapunan.

Magbigay ng tulong.

Bumili ng regalo.



Anumang paraan na ginagamit mo upang may pagsasadyang magbigay sa iyong araw, gamitin ito. Kung ikaw ay gumagamit ng kalendaryo ng mga gagawin, pumili ng isang araw bawat linggo upang isama ang mga mungkahi. Kung ikaw ay mapaggawa ng listahan, maglagay ng paalala sa ilang mga araw upang paalalahanan ka. Kung nag-iiwan ka ng mga maiikling tala sa paligid ng iyong opisina o bahay, ilagay ang mga ito sa mga lugar na makikita mo araw-araw. 



Sa bawat araw ng ating buhay ay binibigyan tayo ng isang bagong hanay ng dalawampu't apat na oras upang maging mga nilalang na tinawag ng Diyos. Mga nilalang na mabait, mapagbigay, maalalahanin, panlipunan, nagpapasalamat, at lubos na nakatuon sa pagsunod kay Jesus...ng buong taon.



Magnilay




  • Natapos mo na ang Gabay na ito—Magaling! Paano mo isasama ang mga ideyang inilatag para sa iyo upang maging mapanadya sa iyong buhay? Anong sistema ang pinakamahusay na gagana para sa iyo?

  • Para sa susunod na 21 araw, simulan ang iyong araw sa pamamagitan ng paglilista ng hindi bababa sa lima ng mga bagay na ipinagpapasalamat ka. Pansinin ang pagkakaiba sa iyong sarili pagkatapos gawin ito.

Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Merry & Bright: Celebrating Christmas Every Day

Mayroong natatangi tungkol sa Pasko na nagpapalabas ng pinakamabuti sa ating lahat. Madalas tayo ay mas mabait, mas mapagbigay, at gumugugol ng mas maraming oras kasama ang mga taong mahal natin. Paano kung hindi ito kai...

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya