Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Maligaya & Maliwanag: Pagdiriwang ng Pasko Araw-arawHalimbawa

Merry & Bright: Celebrating Christmas Every Day

ARAW 6 NG 7

O Halina, Sambahin Natin Siya



"Ang diwa ng Pasko ay wala sa mga regalo kundi nasa Kanyang presensya." —Anonymous



May hindi mabilang na mga tradisyong isinasama natin sa panahon ng Kapaskuhan. Pinapalamutian natin ang ating mga tahanan at lugar na pinagtatrabahuhan ng lahat ng uri ng mga laso, Christmas tree, mga halaman, mga ilaw, at mga kumikinang na dekorasyon. Gumagawa tayo ng mga pagkaing noong nakalipas na Disyembre pa natin hinahangad ngunit pakiramdam natin ay hindi nararapat kainin sa pagitan ng Enero at Nobyembre. Namamasyal tayo sa mga bayan upang tingnan ang mga kilalang lugar na may magagandang dekorasyon at pailaw. Pinapanood natin ang ating mga anak sa mga dula sa kanilang paaralan at ang mga programa sa ating mga simbahan, Tunay na hindi tayo nauubusan ng mga tradisyon kapag buwan ng Disyembre.



At madalas, sa pagiging abala natin sa masayang panahong ito, sa pagsasaya natin sa mga pansamantalang gawaing ito, nalilimutan natin ang isang bagay na dapat ay kasama sa ating araw-araw na tradisyon—ang paglalaan ng oras kasama si Jesus. Madalas, ito ang isang relasyon sa buhay na nakakalimutan nating paglaanan ng oras sa panahong dapat ay ipinagdiriwang natin Siya. Madali itong gawin, at tayong lahat, minsan sa ating buhay, ay napunta na sa ganitong sitwasyon.



Ngunit may mabuting balita! Hindi dahil nakaligtaan nating maglaan ng isang araw, isang linggo, o kahit na isang buwan para kay Jesus ay nangangahulugan nang hindi na tayo maaring magsimula ulit. Ang awa ng Diyos ay laging bago araw-araw. Simulan ang iyong oras kasama ang Diyos sa pamamagitan ng isa sa mga sumusunod:




  • Magsimula ng isang Gabay sa Biblia.

  • Basahin ang Mga Awit at Kawikaan sa bawat buwan ng taon.

  • Pumili ng isang bersikulo o maikling sipi sa Biblia at magsulat ng iyong saloobin ukol dito. 

  • Isama ang pakikinig sa mga awiting pagsamba sa iyong araw.

  • Maglaan ng panahon upang ipanalangin ang mga tao sa iyong buhay.

  • Makinig sa mga mensahe o podcast na magpapalakas ng iyong pananampalataya.

Ang paggawa ng mga bagay na ito ay hindi upang makuha mo ang pagmamahal ng Diyos o para masigurong hindi Siya galit sa atin. Ito ay tungkol sa pakikipag-ugnayan sa Kanya na nagbigay ng buhay para sa atin upang tayo ay makapamuhay para sa Kanya. Ito ay tungkol sa paghugot ng lakas na kailangan natin upang mabuhay sa mundong kasalukuyan nating tinitirhan. Ito ay tungkol sa pamumuhay na kasama Siya upang tayo ay lumago sa ating pananampalataya at upang makatulong din sa iba. 



Gawin nating pinakamahalagang tradisyon sa buong taon ang paglalaan ng oras kasama si Jesus. 



Magnilay




  • Nahihirapan ka bang maglaan ng oras para kay Jesus araw-araw? Ano ang humahadlang sa iyo para gawin ito?

  • Pag-isipan ngayon ang mga makakatulong sa iyo upang magawa ito. 

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Merry & Bright: Celebrating Christmas Every Day

Mayroong natatangi tungkol sa Pasko na nagpapalabas ng pinakamabuti sa ating lahat. Madalas tayo ay mas mabait, mas mapagbigay, at gumugugol ng mas maraming oras kasama ang mga taong mahal natin. Paano kung hindi ito kai...

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya