Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Maligaya & Maliwanag: Pagdiriwang ng Pasko Araw-arawHalimbawa

Merry & Bright: Celebrating Christmas Every Day

ARAW 5 NG 7

Ito'y Isang Kamangha-manghang Buhay



“Ang ideya ko sa Pasko, makaluma man o makabago, ay napakasimple: pagmamahal sa iba.” — Bob Hope



Isang karaniwang tradisyon na ginagawa ng mga tao sa huling buwan ng bawat taon ay ang pagbibigay ng kard sa Pasko. Ang kard tuwing Pasko ay sinimulan noong taong 1840 ni Sir Henry Cole at sinimulan dahil sa kakulangan niya ng oras sa pagsagot ng mga liham na nakasalansan sa kanyang pamamahay. Naisip niya na napakawalang galang naman kung hindi niya sasagutin ang mga taong nagsulat ng liham sa kanya kaya kumuha siya ng isang manlilikha para gawin ang pinakaunang kard ng Pasko para magbigay ng balita tungkol sa kanyang pamilya. Bagamat pinuna siya ng iba dahil sa ginawa niyang pagtitipid ng oras, maraming iba ang gumaya at nagpadala na rin ng kanilang mga liham at mga kard tuwing Pasko. 



Sa pagdagsa ng mga aparato at ng social media sa ating kultura, marami ang tumigil na sa pagpapadala ng totoong kard at sa halip ay nagpapadala na lang ng email o nagsusulat sa social media upang magbigay ng bagong balita. Hindi naman sa hindi na kinakailangang magpadala ng mga kard at mga bagong balita. Dapat tayong magpadala kung kinagigiliwan natin ito. Pero hindi ba mas mabuti kapag hindi na natin kailangang magpadala? Kung nagsikap tayo na makipag-ugnayan sa mga matatalik na kaibigan at mga kapamilya mula pa noong Enero hanggang Oktubre?



Mas abala tayo kaysa sa dati at mas puno ang ating mga talakdaan kaysa sa dati. Maaari tayong makapagpadala ng mensahe sa text o sa social media, pero ang pagpapadala ng tunay na kard sa koreo? Hindi ba nakakatawa at makaluma… tama?



Ano kaya kung tayo ay magsisikap na sulatan ang isa sa ating mga kakilala gamit ang papel at pluma sa bawat buwan ng taon? Paano kung pagpasyahan natin na magpadala ng dalawang sulat bawat buwan? O paano kung dalhin natin sa susunod na antas at sabihing, “Magsusulat ako ng 52 na liham sa isang taon sa 52 na mga tao.” Isang sulat iyon bawat linggo. At nakakabaliw itong pag-isipan.



O nakakabaliw nga ba talaga?



Hindi natin malalaman kung anong kahulugan sa iba na makatanggap ng liham galing sa atin —sa kanilang mailbox man, sa kanilang mesa, o di kaya ay inipit lang sa wiper ng salamin ng kotse. Hindi lang iisa ang paraan ng pagsulat ng pagbibigay lakas ng loob sa iba. Maaaring matanggap nila ito sa panahong iniisip nila na hindi na nila kaya, at ang sulat natin na nagbibigay lakas ng loob ay maaaring maging kung ano ang kanilang kinakailangan sa sitwasyon na kanilang hinaharap.



Magnilay




  • Sa tingin mo ba ay mapapakinabangan ng mga kakilala mo ang pagtanggap ng sulat galing sa iyo maliban sa tipikal na kard ng Pasko at balita?

  • Gumawa ng listahan ng mga taong gusto mong bigyan ng mga sulat. Planuhin kung kailan mo ibibigay ang mga ito sa kanila at isagawa ito.

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Merry & Bright: Celebrating Christmas Every Day

Mayroong natatangi tungkol sa Pasko na nagpapalabas ng pinakamabuti sa ating lahat. Madalas tayo ay mas mabait, mas mapagbigay, at gumugugol ng mas maraming oras kasama ang mga taong mahal natin. Paano kung hindi ito kai...

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya