Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

PagsisisiHalimbawa

Acts of Repentance

ARAW 5 NG 5

Sinugo ng Diyos ang kaisa-isa Niyang anak na si Jesus sa mundo para sa pangunahing layunin: upang bigyan tayo ng bagong buhay. Sa Lucas 5:27-32, ipinahayag ni Jesus ang kanyang misyon: "Hindi nangangailangan ng manggagamot ang walang sakit kundi ang maysakit. Hindi ako naparito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan upang sila'y magsisi." Dumating si Cristo upang ang mga makasalanang tulad natin ay magkaroon ng bagong buhay sa pamamagitan ng pagsisisi at ng Kanyang pagpapatawad. Ang ating mga buhay ay magbabago magpakailanman kung tayo ay magsisisi at hihingi ng Kanyang kapatawaran. Ang misyon ni Jesus ay siya ring ating misyon. Tayo ay tinawag hindi upang makapangasiwa sa mga wasto, bagkus sa mga naliligaw at nangangailangan ng pagpapatawad. Kung ikaw ay buong pusong nagsisisi sa iyong mga kasalanan at ikaw ay pinatawad ng Diyos mula rito, maari mo itong ibahagi sa ibang nangangailangan ng kapatawaran. Ang pagbabago ng iyong buhay ay makapagdudulot ng kaparis na pagbabago sa buhay ng iba. Sino sa iyong mga kakilala ang nangangailangang magsisisi at makatanggap ng pagpapatawad ng Diyos? Gamit ang iyong personal na kwento ng pagpapatawad mula sa Diyos, sa papaanong paraan ka makatutulong sa ibang tao upang sila rin ay makapagsisi?

Banal na Kasulatan

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Acts of Repentance

Ang Pagsisisi ay isa sa mga pinakamamahalagang aksyon na ating ginagawa bilang pagkilala kay Cristo bilang ating personal na Tagapagligtas. Ang pagsisisi ay ang ating aksyon, at ang kapatawaran ang reaksyon ng Diyos mula...

More

We would like to thank Life.Church for providing this plan. For more information, please visit: www.life.church

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya