Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 6 NG 280

PAG-ASA SA PAGMAMAHAL NI CRISTO

Ang pinakadakilang regalo na maaari mong ibigay sa iyong mga anak ay hindi ang pinakabago at pinakamainam na maiaalok ng mundo. Ito ay ang pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Ang regalo na ito ang nagbibigay-kakayanan sa kanila na tanggihan ang mga patibong ng sanlibutan at mabuhay sa pagmamahal ng Tagapaglikha. Ang iyong mga anak ay bobombahin ng mga mensahe mula sa sanlibutan, at ang mga mapanlinlang na mga pangako nito ay mahirap tanggihan. Ang totoo, imposibleng tanggihan ang mga ito kung hindi nananahan sa kanila ang Espiritu ng Diyos. Ipakilala ang iyong mga anak sa regalong patuloy nagbibigay—kagandahang-loob.

Ang paghahabol mo ba sa Diyos ay kasing-sigasig ng paghahabol mo sa mga bagay ng mundo? Pinapanood ka ng iyong mga anak!

Banal na Kasulatan

Araw 5Araw 7

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com