Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

MATUTONG MAGSABI NG "HINDI"
Araw-araw nagtatrabaho si Moises bilang nag-iisang hukom sa lahat ng tribo ng Israel. Ganoon na lang ang dami ng taong nangangailangan ng kanyang oras kaya't kahit nagtatrabaho siya mula pagsikat hanggang paglubog ng araw tila hindi nababawasan ang kanyang gawain. Nakita ito ng biyenan niyang si Jetro at agad nahalata nito na hindi kaya ni Moises ang "humindi" sa mga hiling sa kanyang oras. Iminungkahi niya kay Moises ang mag-pokus sa dalawang bagay lang—ang kumatawan sa mga tao sa harap ng Diyos, at ang hawakan ang mga pinakamahihirap na alitan. Ang ibang trabaho ay maaari ng ipahawak sa mga may-kakayahang lalaki na itatalaga niya. Nakinig si Moises, nagtalaga ng iba, at nakitang lubos na mas marami siyang natapos na trabaho kaysa dati, at sa mas maiksing panahon. Kung naging mabisa ang solusyon na iyon para kay Moises, hindi kaya ito maging mabisa rin para sa atin?
Ang mga wasto at payak na limitasyon ay mahalaga para sa lahat sa pamilya. Bilang magulang, ikaw ang ang may responsibilidad na magtakda ng mga limitasyon para sa iyong mga anak at para sa sarili.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.
More
We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com