Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 11 NG 280

KAPANGYARIHANG MULA SA PANALANGIN

Ang pagiging magulang ay isang koponang pang-pangkatan. Kapag ikaw at ang iyong asawa ay "may parehong kaisipan sa isa't-isa ng naaayon kay Cristo Jesus," maaari kayong makagawa ng mga desisyong pangmagulang na magiging pinakamaayos at maganda para sa inyong pamilya. Ang mga bersikulong ito ay mga panalanging makatutulong sa mga magulang. Sa tulong ng Banal na Espiritu, ang magiging bunga nito ay mga tamang pagpili, magandang kahihinatnan, at kaunawaang kakailanganin upang maipahatid ang mga ito. Sa pamamagitan ng panalangin at paglapit sa Diyos, ikaw at ang iyong asawa (o mga kaibigan) ay maaaring magkaroon ng "isang tinig na lumuluwalhati sa Diyos at sa Ama ng ating Panginoong Jesucristo."

Ang bawat isang kabiyak ay maaaring may matutunan mula sa kanyang asawa. Ang mga magulang na mag-isang nagtataguyod sa kanilang mga anak ay maaaring may matutunan sa kanilang mga kaibigan na kapwa magulang nila. Kapag pinag-uusapan ninyo ang patungkol sa mga mabibigat na kalagayan sa pagiging magulang at naipapanalangin ninyo itong sama-sama para humingi ng gabay, naluluwalhati ninyo ang Diyos.

Banal na Kasulatan

Araw 10Araw 12

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com