Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 5 NG 280

PAG-ASA SA HINDI NAKIKITA

Bilang mga Cristiano, alam natin kung paano magtatapos ang kuwento. Sa ngayon, ang pag-asang hatid ng ating pagkaligtas ay hindi pa natin nakikita. Ang nakikita natin ay ang mundo at ang mga ipinapataw nito sa atin. Kailangan nating ituon ang pansin sa hindi nakikita, upang hindi tayo magapi ng panggigipit na makiayaon sa kasalukuyang kultura. Pilit na kinukuha ng mundo ang ating atensiyon mula sa lahat ng direksiyon sa lahat ng pagkakataon. Ang nasaan-ka-man-naroon na media (TV, mga magasin, pahayagan, internet) ang naglilihis palayo sa atin sa hindi nakikita at umaakit sa atin gamit ang nakalilinlang na pag-asa ng mabilisang pagpapala. Mabuti na lang may nakalaan na depensa ang Diyos: "nananahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos na siyang muling bumuhay kay Jesu-Cristo" (Mga Taga Roma 8:11).

Isabuhay ang walang hangganang perspektibo para sa iyong mga anak. Pag-usapan ang mga mensaheng hatid ng pangkasalukuyang kultura at ipakita sa kanila ang kaibahan ng mga ito sa pag-asang mayroon tayo bilang mga tagasunod ni Cristo.

Banal na Kasulatan

Araw 4Araw 6

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com