Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 274 NG 280

PAGSUBOK NG MGA LIMITASYON

Ipinagpapalagay ng maraming magulang na ang masamang pagmamagulang ay magbubunga ng mga anak na mapanubok ng mga limitasyon. Kung ito ang iyong pananaw, ang bawat paghamon sa awtoridad ay tila lalong nagpapatibay ng pinakaikinatatakot ng magulang na "Hindi ako mabuting magulang!"

Ngunit ang panunubok ng mga limitasyon ay bahagi ng proseso ng pagbubuo ng natatanging pagkatao ng bawat isa na nagsisimula nang maaga sa buhay. Lahat tayo ay dumaan dito. Makakatulong kung tatandaan na, tulad natin, kailangan ng ating mga anak na matutong mag-isip para sa kanilang sarili upang magawa nilang "iwan at magsama" sa hinaharap. Kinakailangan ng panahon sa pagsasanay nito at sa proseso, siguradong may mga pagkakamali silang mapagdadaanan. Kapag sinusubok nila ang mga limitasyon, huwag magulantang! Bagkus, tanggapin ang mga panahong ito bilang mga pagkakataon na maipabatid sa kanila ang inyong sistema ng pagpapahalaga at bigyan sila ng kapanatagan sa pamamagitan ng pagtugon nang mahihinahon ngunit tumpak na mga parusa.

Kapag handa kayo sa panunubok ng mga limitasyon ng inyong mga anak, mas kakayanin ninyong tumugon nang may pagmamahal kaysa nang may galit.

Banal na Kasulatan

Araw 273Araw 275

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com