Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Parenting by Design na Pang-Araw-Araw na GabayHalimbawa

Parenting by Design Daily Devotional

ARAW 259 NG 280

PAGMUMUNIMUNI

Minsan humihiling tayo sa Diyos ng karunungan sa paggawa ng mga pasya sa pagmamagulang, ngunit ang totoo, ay gusto lamang natin na sumang-ayon Siya sa ating mga plano at hangarin. Sa kasamaang-palad, maaaring hindi natin napapagtanto kung gaano kalaki ang impluwensya sa ating mga hangarin ng ating kultura na dumadakila sa salapi, kapangyarihan, kagandahan at kasikatan.

Ang susi sa pag-alam ng kalooban ng Diyos ay ang kilalanin ang Diyos. Kaya't ang unang hakbang ay ang matutunan ang Kanyang pagkatao at mga layunin. Ang mga ito ay kadalasan na direktang sumasalungat sa pagkatao at mga layunin na laganap sa mundo! Tandaan na ang ating mga puso ay mandaraya (Jer. 17:9) at dapat tayong umasa sa Banal na Espiritu, na kumakausap sa atin sa pamamagitan ng panalangin at pag-aaral ng Biblia, na isiwalat ang mga bahagi ng ating buhay kung saan maaaring ipinapangatwiran natin ang mga makasariling motibo.

Kung kilala mo ang pagkatao ng Diyos, magiging mas malinaw ang Kanyang kalooban para sa iyong pamilya.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Parenting by Design Daily Devotional

Ang layunin ng debosyonal na ito ay upang makita kung ano ang sinasabi ng Banal na Kasulatan tungkol sa mga hamon ng pagiging isang magulang. Ang bawat araw ay mayroong taludtod ng Salita at pagsasabuhay nito para sa mga pagsubok at mga tagumpay ng pag-aakay ng pamilya tungo kay Cristo. Ang mga debosyonal ay nilikha ng Parenting by Design, isang ministeryong nakatuon sa pagtuturo sa mga magulang kung paano akayin ang kanilang mga anak gaya ng pag-akay ng Diyos sa Kaniyang mga anak.

More

We would like to thank Parenting by Design for providing their daily devotional. For more information about Parenting by Design, please visit: www.parentingbydesign.com