Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: MosaicHalimbawa

Devotions for Lent from Holy Bible: Mosaic

ARAW 6 NG 46

Pagkilala sa Kawalang-Kasiyahan Ipinakikita sa atin ng panahon ng Kuwaresma ang kapighatian ni Jesus sa mga huling araw bago ang pagpako sa Kanya sa krus. Habang binabasa natin ang harapang pakikipanayam ni Jesus sa Kanyang mga alagad habang sila'y nasa isang silid, mailalarawan natin sa ating diwa ang kaligayahan ng pakikipagkaibigan na may kasamang lungkot dahil sa nalalapit na pagkakanulo ng isang kaibigan. Sa ating pagpasok sa madilim na yugto ng pagdakip kay Jesus, paglilitis, at pagpapasakit sa Kanya, kasama natin sa pagtangis ang mga unang Cristiano, at sa ating pagsisikap na iligtas si Jesus mula sa ating mga sarili, tayo ri'y magdadalamhati sa ating pagkakanulo sa Kanya tulad ni Pedro. Ang nakaugalian nating tradisyon ng Kuwaresma–isang sakripisyong tumatagal ng apatnapung araw–ay isang paraan ng paghihinagpis sa kamatayang dulot ng kasalanan sa ating mga buhay. Sa ating pagsaksi sa ganap na pagtatagumpay ni Jesus sa pagtukso ni Satanas habang Siya ay nasa ilang, ating aminin ang ating mga pagkukulang, ang ating mga sakripisyong hindi husto. Ang kapanahunang ito ng "pagsuko" ay may natatanging kakayahang ipaalala ang ating matinding pangangailangan kay Jesu-Cristo.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Devotions for Lent from Holy Bible: Mosaic

Ang pang-46 araw na debosyonal na ito para sa panahon ng Kuwaresma, na mula sa Holy Bible: Mosaic, ay naglalaman ng mga kataga, babasahin, at Banal na Kasulatan na tutulong sa iyong ipako ang iyong isipan kay Cristo. Nakatitiyak ka man o hindi kung ano ang ibig sabihin ng panahon ng Kuwaresma, o nakagawian mo nang sundan ito at ang iba pang mga pagdiriwang sa kalendaryo ng simbahan, mapahahalagahan mo ang mga babasahin mula sa Banal na Kasulatan at mga pananaw na ibinahagi ng mga Cristiano mula sa iba't ibang dako ng mundo at sa buong kasaysayan. Samahan ninyo kami at ang iglesia sa buong mundo na ituon ang ating mga sarili kay Jesus sa mga darating na linggo hanggang sa pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Tyndale House Publishers sa kanilang pagbabahagi ng Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: Mosaic. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Holy Bible: Mosaic, bisitahin ang: www.tyndale.com/p/holy-bible-mosaic-nlt/9781414322056