Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: MosaicHalimbawa

Devotions for Lent from Holy Bible: Mosaic

ARAW 36 NG 46

Ang Pag-aayunong may Pakay (Clyde Taber) Ang pag-aayuno ay isang kakaibang salita sa ating mga tenga. Tayo ay sumusukot, nag-aatubili, at winawalang saysay natin ito. Maingat nating iniiwasan ito tulad ng mga relihiyosong pinuno na iniwasan ang taong nabugbog sa talinghaga ni Jesus. Ngunit ang pag-aayuno ay bahagi ng pangkaraniwang agos ng buhay ng sinaunang Iglesia. Pinagtibay at tinanggap ni Hesukristo ang pag-aayuno na nasa Lumang Tipan. "Kapag ikaw ay nagbibigay sa taong nangangailangan" (Mateo 6:2), "kapag ikaw ay nananalangin" (Mateo 6:5), "kapag ikaw ay nag-aayuno" (Mateo 6:16) Ito ang itinuro Niya sa bundok. Ipinalagay ni Jesus na ang pagbibigay, pananalangin, at ang pag-aayuno ay karaniwang bahagi ng isang buhay espiritwal. Hindi ito isang bagay na pinagpipilian lamang, kundi ito ay mahalagang bahagi ng katuruan sa paaralan ni Kristo. Ang pag-aayuno ang nanguna sa maraming mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng tao. Pagkatapos mag-ayuno ni Moises, natanggap niya ang tableta na nagbago sa ating kaalaman tungkol sa kasalanan at sa kahulugan ng mundo sa pagiging tama. (Exodo 34:28) Pagkatapos mag-ayuno ni Hesus, mula sa saro ay nagsimulang umagos ang alak ng Bagong Tipan (Mateo 4:2). Pagkatapos mag-ayuno ng mga sinaunang pinuno ng Iglesia, ang kilusan para kay Kristo ay sumabog at nag-umapaw lagpas pa sa hangganan ng Palestina. (Mga Gawa 13:2) Ang Iglesia noong ika-20 siglo sa Asya ay nag-ayuno at ngayon ito ay lumalago sa bilis na wala pang nakakagawa kailanman. Ninanais ng Ama na gantimpalaan ang mga taong nag-aayuno nang may busilak na puso (Mateo 6:18). Nangunguna ang pag-aayuno sa layunin kaya't ang layunin ang nararapat na nangunguna sa pag-aayuno. Kapag tayo ay nag-aayuno, dapat nating ituring ito na "pag-iisantabi" upang "makakuha". Umiiwas tayo sa pagkain sa ilang panahon upang mas maituon natin ang ating mga mata kay Cristo at sa Kanyang kaharian. Hinihingi ng pag-aayuno ang matibay na pagpapasya at dedikasyon. Naglalaan tayo ng panahon upang lumabas sa landas ng ating abalang buhay. Ang pag-aayuno ay lubos na kapaki-pakinabang kapag ito'y may kasamang paghahangad, pagpapakasakit at pagpupunla sa Banal na Espiritu sa halip na sa laman. Kapag tayo'y kumakain, binibigyang kaluguran natin ang laman. Kapag tayo'y nag-aayuno, nilalampasan natin ang laman patungo sa kaharian ng Banal na Espiritu. Ang pagiging mabunga dahil sa pag-aayuno ay hindi agad-agad natatamo. Ito'y isang kaugaliang pinahuhusay sa pagdaan ng panahon at ng karanasan. Kapag tayo'y pumapasok sa panahon ng pag-aayuno, ang Panginoon ay nagbibigay ng biyaya. Sandali nitong ipinaaalala sa atin ang kamatayan, at pagkatapos ay isinasalin ng Banal na Espiritu ang kawalan ng pagkain sa isang pagkaunawa ng buhay, liwanag, at pagkaalam. Kung paanong si Hesukristo ay nagkusa sa kanyang paglalakbay patungo sa Jerusalem, nawa tayo ay sumunod sa kanyang naging gawi. Hindi "kung", kundi "kapag kayo ay nag-ayuno."

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Devotions for Lent from Holy Bible: Mosaic

Ang pang-46 araw na debosyonal na ito para sa panahon ng Kuwaresma, na mula sa Holy Bible: Mosaic, ay naglalaman ng mga kataga, babasahin, at Banal na Kasulatan na tutulong sa iyong ipako ang iyong isipan kay Cristo. Nakatitiyak ka man o hindi kung ano ang ibig sabihin ng panahon ng Kuwaresma, o nakagawian mo nang sundan ito at ang iba pang mga pagdiriwang sa kalendaryo ng simbahan, mapahahalagahan mo ang mga babasahin mula sa Banal na Kasulatan at mga pananaw na ibinahagi ng mga Cristiano mula sa iba't ibang dako ng mundo at sa buong kasaysayan. Samahan ninyo kami at ang iglesia sa buong mundo na ituon ang ating mga sarili kay Jesus sa mga darating na linggo hanggang sa pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Tyndale House Publishers sa kanilang pagbabahagi ng Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: Mosaic. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Holy Bible: Mosaic, bisitahin ang: www.tyndale.com/p/holy-bible-mosaic-nlt/9781414322056