Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: MosaicHalimbawa

Devotions for Lent from Holy Bible: Mosaic

ARAW 41 NG 46

Pag-asa Ang pag-asa ay tila kakaibang kasama kapag ito ay ipinapares sa ibang mga bagay tulad ng pananampalataya, pag-ibig at iba pang mga napakahalagang katangian. Ang pag-asa ay isang bagay na inaasahan, isang pagnanais na magkaroon ng kaganapan, subalit ito'y nagbibigay ng damdamin ng pagkabalisa sa kasalukuyan. Umaasa tayong ang ating mga pangarap ay matutupad, ngunit gusto rin nating malaman kung ano pa ang ating maaaring asahan kapag sila ay natupad na. Parang napakalupit kapag sinabi natin sa ating kaibigan na mahal natin sila, na naniniwala tayo sa kanila, at umaasa tayo sa kanila, na para bang hindi pa nila tinataglay ang katangian ng pagiging pinakamagaling na kaibigan na ninanais nating maabot nila Gayunman hinihikayat tayo ng Diyos na ilagay ang ating pag-asa sa Kaniya. Habang ito'y maaari nating ituring na direksyon patungo sa pagkabigo, na siya namang madalas nangyayari sa mga pag-asa nating makamundo, ang uri ng katangian na kasing dakila ang hangarin gaya ng pananampalataya at pag-ibig ay nagpapaalaala sa atin na ang mga pangako ng Diyos ay tunay ngang maaari nating paglagakan ng ating pinakamatinding pag-asa.

Tungkol sa Gabay na ito

Devotions for Lent from Holy Bible: Mosaic

Ang pang-46 araw na debosyonal na ito para sa panahon ng Kuwaresma, na mula sa Holy Bible: Mosaic, ay naglalaman ng mga kataga, babasahin, at Banal na Kasulatan na tutulong sa iyong ipako ang iyong isipan kay Cristo. Nakatitiyak ka man o hindi kung ano ang ibig sabihin ng panahon ng Kuwaresma, o nakagawian mo nang sundan ito at ang iba pang mga pagdiriwang sa kalendaryo ng simbahan, mapahahalagahan mo ang mga babasahin mula sa Banal na Kasulatan at mga pananaw na ibinahagi ng mga Cristiano mula sa iba't ibang dako ng mundo at sa buong kasaysayan. Samahan ninyo kami at ang iglesia sa buong mundo na ituon ang ating mga sarili kay Jesus sa mga darating na linggo hanggang sa pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Tyndale House Publishers sa kanilang pagbabahagi ng Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: Mosaic. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Holy Bible: Mosaic, bisitahin ang: www.tyndale.com/p/holy-bible-mosaic-nlt/9781414322056