Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: MosaicHalimbawa

Devotions for Lent from Holy Bible: Mosaic

ARAW 27 NG 46

Ang Kasalanan at ang Kamatayan Para sa ibang mga taga-sunod ni Kristo, ang kasalanan at kamatayan ay naghahabi ng isang salaysay na nakasanayan na kung kaya't naging manhid na tayo sa sakit na dulot nito. Para sa iba sa atin, ang kabayaran ng kasalanan at ang kaakibat nitong espiritwal na kamatayan ay talagang napakabigat kaya't tinatanggihan nating tanggapin ang kahabagang nanggagaling sa Diyos. Ang balanse kung saan tinatawag tayo ng Diyos manahan ay tunay na hindi nasisiyahan sa alinmang dalawang panig na ito. Sa atin pagkakaroon ng kaunawaan tungkol sa ating kasalukuyang kasaysayang espiritwal base sa kasaysayan ng Kristiyanismo, nagdadalamhati tayo habang inaako natin ang kasalanan ng sangkatauhan, kasabay ng pakikigalak kasama ng mga santo sa rurok ng ating pinagsamahang kaligtasan.

Tungkol sa Gabay na ito

Devotions for Lent from Holy Bible: Mosaic

Ang pang-46 araw na debosyonal na ito para sa panahon ng Kuwaresma, na mula sa Holy Bible: Mosaic, ay naglalaman ng mga kataga, babasahin, at Banal na Kasulatan na tutulong sa iyong ipako ang iyong isipan kay Cristo. Nakatitiyak ka man o hindi kung ano ang ibig sabihin ng panahon ng Kuwaresma, o nakagawian mo nang sundan ito at ang iba pang mga pagdiriwang sa kalendaryo ng simbahan, mapahahalagahan mo ang mga babasahin mula sa Banal na Kasulatan at mga pananaw na ibinahagi ng mga Cristiano mula sa iba't ibang dako ng mundo at sa buong kasaysayan. Samahan ninyo kami at ang iglesia sa buong mundo na ituon ang ating mga sarili kay Jesus sa mga darating na linggo hanggang sa pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Tyndale House Publishers sa kanilang pagbabahagi ng Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: Mosaic. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Holy Bible: Mosaic, bisitahin ang: www.tyndale.com/p/holy-bible-mosaic-nlt/9781414322056