Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: MosaicHalimbawa

Devotions for Lent from Holy Bible: Mosaic

ARAW 23 NG 46

Karl Barth (Switzerland, 1886-1968) Kapag pinag-uusapan natin ang biyaya, iniisip natin ang katotohanang ang pagkiling (ng Diyos) para sa pinapanigan nito ay hindi nahahadlangan o maaaring mapasama nang dahil sa paglaban ng taong ito. Kapag pinag-uusapan natin ang kabanalan, iniisip natin, sa isang banda, ang katotohanang ang Kaniyang mainam na pagkiling ay mapagtatagumpayan at mawawasak ang pagtutol na ito. Kapag sinabi nating biyaya ay sinasabi nating kapatawaran ng mga kasalanan; kapag sinabi nating kabanalan, sinasabi nating kahatulan para sa mga kasalanan. Ngunit dahil pareho itong naglalarawan ng pag-ibig ng Diyos, paanong maaaring nariyan ang isa nang wala ang isa pa, pagpapatawad na wala ang kahatulan o kahatulan na wala ang kapatawaran? Kapag hindi pa nahahayag ang pag-ibig ng Diyos, hindi pa o hindi na pinapaniwalaan, doon lamang maaaring magkaroon ng paghihiwalay sa dalawang ito sa halip na pagkakaiba. Sa pagkakataong ito ang kapatawaran ay maaaring mahinuhang isang bagay na basal mula sa kasalanan, at ang kahatulan sa paggagawad ng kaparusahan. Hindi ito magiging kahatulan ng Diyos sa isang banda o kapatawaran Niya sa kabilang banda. Kapag tayo'y nagsasalita ng may pananampalataya, at sa ganoon ay ayon sa liwanag ng Diyos at ng Kaniyang pag-ibig, at kung ganoon ay ayon sa kapatawaran ng Diyos at sa Kaniyang kahatulan, habang ang ating pananaw ay lumalago ay maaari nating makilala ang kaibahan, subalit hindi natin maaaring paghiwalayin ang biyaya ng Diyos at ang Kaniyang kabanalan. Ang kaugnayan ng dalawang ito ay masusuma sa katotohanang pareho silang nagpapakita ng kaibahan ng pagmamahal ng Diyos at ng Kaniyang pagkilos sa kasunduan, bilang Panginoon ng kasunduan sa pagitan Niya at ng Kaniyang nilalang.

Banal na Kasulatan

Tungkol sa Gabay na ito

Devotions for Lent from Holy Bible: Mosaic

Ang pang-46 araw na debosyonal na ito para sa panahon ng Kuwaresma, na mula sa Holy Bible: Mosaic, ay naglalaman ng mga kataga, babasahin, at Banal na Kasulatan na tutulong sa iyong ipako ang iyong isipan kay Cristo. Nakatitiyak ka man o hindi kung ano ang ibig sabihin ng panahon ng Kuwaresma, o nakagawian mo nang sundan ito at ang iba pang mga pagdiriwang sa kalendaryo ng simbahan, mapahahalagahan mo ang mga babasahin mula sa Banal na Kasulatan at mga pananaw na ibinahagi ng mga Cristiano mula sa iba't ibang dako ng mundo at sa buong kasaysayan. Samahan ninyo kami at ang iglesia sa buong mundo na ituon ang ating mga sarili kay Jesus sa mga darating na linggo hanggang sa pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Tyndale House Publishers sa kanilang pagbabahagi ng Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: Mosaic. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Holy Bible: Mosaic, bisitahin ang: www.tyndale.com/p/holy-bible-mosaic-nlt/9781414322056