Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: MosaicHalimbawa

Banal na Diyos (Keith Potter)
Sa panahon ng Kwaresma ay inaalala natin ang dakilang sakripisyo na ginawa ni Hesukristo, ang kapatawaran na binayaran Niya ng kanyang buhay. Inaamin natin na ang mga kasalanan natin ay nakakahadlang sa ating kaugnayan sa Diyos.
Subalit, ang ating pag-amin ng ating mga kasalanan ay magiging mababaw at hungkag malibang lubos nating maunawaan kung gaano kadakila at kabanal ang Diyos. Lagi nating minamaliit ang kabigatan ng kasalanan at ang epekto nito, na ginagawa tayong di kawangis ng Diyos at hindi karapat-dapat sa kanyang mabuting pakikitungo. Ang ating pagsisikap na patawarin ang ating sarili at ang ating kapwa ay magiging mababaw at hungkag din malibang maunawaan natin kung paanong ang biyaya ng Diyos ay lubos na nalukuban tayo sa pamamagitan ni Jesucristo, at ginawa tayong matuwid sa mata ng Diyos at karapat-dapat sa Kaniyang mabuting pakikitungo.Kaya't sa panahong ito,pinagninilayan natin ang kabanalan ng Diyos at nais nating malaman kung paano bang mapuspos ng mapagmahal na mga layunin at mainam na pagganyak lamang, tulad ng ating Diyos.
Sa Isaias 6, ating natuklasang ang salaysay tungkol sa dakilang propetang ito ay nagsimula sa isang dakilang pangitain ng Diyos na nasa kanyang trono, at napapalibutan ng mga mala-anghel na nilikha. Araw at gabi, ang mga ito ay sumisigaw ng, "Banal, banal, banal si Yahweh na Makapangyarihan sa lahat! Ang buong daigdig ay puspos ng kanyang kaluwalhatian!" Ano ang tugon ni Isaias? "Sinabi ko, “Kawawa ako sapagkat ako ay isang makasalanan at mula sa isang lahing makasalanan. Mapapahamak ako sapagkat nakita ko ang Hari, si Yahweh, ang Makapangyarihan sa lahat." (Isaias 6:5)
Sa pagkakita ni Isaias sa Diyos, nakita rin niya ang kanyang sarili. Isang napakaruming nilalang. Lubhang nahirati sa karumihan ng kaniyang kapaligiran. At walang bahid ng kabanalan. Kaya't hinipo ng Diyos si Isaias. Natamasa niya ang kapatawaran at ang paglilinis at isang bagong kahandaan. Ang Diyos ay nananawagan para sa isang nilalang bilang Kaniyang kinatawan. Tumugon si Isaias, "Panginoon, narito ako! Isugo mo ako."
Maaring yan din ang ating kasaysayan. Sa liwanag ng kabanalan ng Diyos, tayo'y nawawasak. "Ako'y aba! Ako'y isang maruming nilalang sa gitna ng maruming bayan ng Diyos. Ngayon na tunay ngang nakikita Kita, Panginoon, nakikita ko ang aking sarili. Tulungan Mo ako!" At tunay ngang tumutulong ang Diyos, kaakibat ang biyayang mas higit sa ating kasalanan. Kung ang Kaniyang kabanalan ay napakalawak, ang Kaniyang biyaya ay lubhang bumabalantok sapagkat ito'y lumulukob sa bawat kasalanan natin na tiyak na nakakasiphayo sa Kaniyang kabanalan. "Ang kadakilaan niya ay ihayag,
at ang ngalan niya'y purihin ng lahat!" (Mga Awit 34:3).
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang pang-46 araw na debosyonal na ito para sa panahon ng Kuwaresma, na mula sa Holy Bible: Mosaic, ay naglalaman ng mga kataga, babasahin, at Banal na Kasulatan na tutulong sa iyong ipako ang iyong isipan kay Cristo. Nakatitiyak ka man o hindi kung ano ang ibig sabihin ng panahon ng Kuwaresma, o nakagawian mo nang sundan ito at ang iba pang mga pagdiriwang sa kalendaryo ng simbahan, mapahahalagahan mo ang mga babasahin mula sa Banal na Kasulatan at mga pananaw na ibinahagi ng mga Cristiano mula sa iba't ibang dako ng mundo at sa buong kasaysayan. Samahan ninyo kami at ang iglesia sa buong mundo na ituon ang ating mga sarili kay Jesus sa mga darating na linggo hanggang sa pagdiriwang ng Linggo ng Pagkabuhay.
More
Nais naming pasalamatan ang Tyndale House Publishers sa kanilang pagbabahagi ng Mga Debosyon para sa Mahal na Araw mula sa Holy Bible: Mosaic. Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Holy Bible: Mosaic, bisitahin ang: www.tyndale.com/p/holy-bible-mosaic-nlt/9781414322056
Mga Kaugnay na Gabay

Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa Espiritu

Isang Salita na Magbabago sa Iyong Buhay

Adbiyento: Ang Paglalakbay Tungo sa Pasko

Paglilinis ng Kaluluwa

Paglalakbay Tungo sa Sabsaban

Aking Kasukdulan Para Sa Kanyang Kadakilaan (My Utmost For His Highest)

Pag-alala sa Lahat ng Ginawa ng Diyos

Ang Mga Parables ni Jesus

Ang Mamahinga: Isang Kautusan ng Diyos
