Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa EspirituHalimbawa

Oswald Chambers: Peace - Life in the Spirit

ARAW 7 NG 30

Aling mga araw ang talagang nagpaunlad sa iyo sa pagkilala sa Diyos-ang mga araw na maaliwalas at payapa at sagana? Hindi kailanman! Ang mga araw ng kagipitan, ang mga araw ng paghihirap, ang mga araw ng nakakabiglang mga pangyayari, ang mga araw na ang toldang tinatahanan natin ngayon ay napwersa sa sukdulan nito, iyon ang mga araw na natutunan mo ang kahulugan ng alab ng "Hayo." Anumang matinding kalamidad sa natural na mundo-kamatayan, sakit, pagkalungkot-ay gigising sa isang tao nang tulad ng walang iba, at hindi na siya kailanman magiging gaya ng dati. Hindi natin kailanman malalaman ang "nakatagong mga kayamanan" kung tayo ay laging nasa lugar ng tahimik na seguridad.



Sa kabila ng ating pagbatid ng karumihan, sa kabila ng lahat ng ating pagmamadali at interes sa mga gawain ng mundo, at sa kabila ng lahat ng ating lohika, ang hindi-maiiwasang pagbatid sa Diyos ay darating at gagambala sa ating kapayapaan.



Mga Tanong sa Pagninilay: Ano ang itinuturo sa akin ng problema tungkol sa kapayapaan? Tinatanggap ko ba ang Diyos upang makialam sa aking buhay o inilagay ko ang isang karatulang "Huwag Istorbohin" sa pintuan ng aking buhay?



Mga siping ginamit ay mula sa The Philosophy of Sin, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 6Araw 8

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Peace - Life in the Spirit

Kapayapaan: Ang Buhay sa Espiritu ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinaka magiliw na manunulat ng debosyonal at may-akda ng Aking Pinakamainam Para Sa Kanya na Pina...

More

Nais naming pasalamatan ang Discovery House Publishers sa pamamahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: www.utmost.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya