Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Oswald Chambers: Kapayapaan - Buhay sa EspirituHalimbawa

Oswald Chambers: Peace - Life in the Spirit

ARAW 9 NG 30

Nang ang Diyos ay nagkatawang-tao kay Jesu-Cristo sa layuning pag-aalis ng kasalanan, walang nakita ang mga tao upang maakit sila sa Kanya. Ngunit kapag ang puso ng isang makasalanan ay naabot, iyon ay isang kalagayan ng puso at isip na kayang makaunawa kung bakit kinailangan ng Diyos na magkatawang-tao. Ang pinakamasaklap na kalagayan na maaaring sapitin ng isang tao ay ang kailanman hindi magkaroon ng kirot o pagkilala ng kanyang kasalanan, lubos na masaya at mapayapa, ngunit walang pasubaling patay sa mga bagay na kinakatawan ni Jesus.



Ang karamihan sa atin ay mababaw, hindi natin inaabala ang ating mga isip patungkol sa Katotohanan. Tayo ay abala sa nararanasang kaaliwan, sa nararanasang kaginhawahan at kapayapaan, at kapag ang Espiritu ng Diyos ay pumasok at gumambala sa balanse ng ating buhay mas gusto nating huwag intindihin ang ipinapahayag Niya.



Mga Tanong sa Pagninilay: Bakit nakamamatay ang wala sa lugar na kapayapaan? Bakit napakadali ang pansamantalang kapayapaan? Bakit kaginhawaan ang kaaway ng kapayapaan?



Ang mga siping ginamit ay mula sa Bringing Sons into Glory and The Psychology of Redemption, © Discovery House Publishers

Banal na Kasulatan

Araw 8Araw 10

Tungkol sa Gabay na ito

Oswald Chambers: Peace - Life in the Spirit

Kapayapaan: Ang Buhay sa Espiritu ay isang mayamang kaban ng mga sipi mula sa mga gawa ni Oswald Chambers, ang hinirang na pinaka magiliw na manunulat ng debosyonal at may-akda ng Aking Pinakamainam Para Sa Kanya na Pina...

More

Nais naming pasalamatan ang Discovery House Publishers sa pamamahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: www.utmost.org

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya