Ang lahat sa mundong ito ay may kanya-kanyang panahon, may kanya-kanyang oras. Ang panahon ng pagsilang at panahon ng pagkamatay; ang panahon ng pagtatanim at panahon ng pagbunot ng tanim. Ang panahon ng pagpatay at panahon ng pagpapagaling; ang panahon ng paggiba at panahon ng pagtatayo. Ang panahon ng pagluha at panahon ng pagtawa; ang panahon ng pagluluksa at panahon ng pagdiriwang. Ang panahon ng pagkakalat ng mga bato at panahon ng pagtitipon sa mga ito; ang panahon ng pagyayakap at panahon ng paglalayo. Ang panahon ng paghahanap at panahon ng pagkawala niyon; ang panahon ng pag-iingat sa isang bagay at panahon ng pagtatapon. Ang panahon ng pagpunit at panahon ng pagtahi; ang panahon ng pagtahimik at panahon ng pagsasalita. Ang panahon ng pagmamahal at panahon ng pagkapoot; ang panahon ng digmaan at panahon ng kapayapaan. Ano ang mapapala ng tao sa kanyang pinagpaguran? Alam ko na ang itinakda ng Diyos sa tao. Iniangkop niya ang lahat ng bagay sa tamang kapanahunan. Ang tao'y binigyan niya ng pagnanasang alamin ang bukas ngunit hindi binigyan ng pagkaunawa sa ginawa ng Diyos mula sa pasimula hanggang sa wakas. Alam kong walang pinakamabuti sa tao kundi magpakaligaya at gawin ang pinakamabuti habang siya'y nabubuhay. Alam ko ring kaloob ng Diyos na ang tao'y kumain, uminom at pakinabangan ang bunga ng kanyang pinagpaguran. Alam kong mamamalagi ang lahat ng ginawa ng Diyos: wala nang kailangang idagdag, wala ring dapat bawasin. Gayon ang ginawa ng Diyos upang ang tao'y magkaroon ng takot sa kanya.
Basahin Ang Mangangaral 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Ang Mangangaral 3:1-14
4 na araw
Ang debosyon na ito ay magpapatatag sa ating pananampalataya kay Kristo. Ang matibay na pananampalataya ay magpapatibay sa atin upang harapin ang anumang sitwasyon
5 Days
Through these comprehensive daily readings, learn how to wait on God's timing in all aspects of life, from healing to relationships. Discover how to make the most of the waiting season and pray according to God's will. This devotional is based on Everybody Wants to Win, But Nobody Wants to Wait by Marcus Gill.
5 araw
Ang Dios ang nagdisenyo ng pamilya, at hangad Niyang ang bawat kasapi nito ay makadama ng pagmamahal at pagtanggap. Ang nakalulungkot, hindi ito nangyayari sa maraming sambahayan. Sa halip na pag-ibig, mas nangingibabaw ang sama ng loob, poot at kawalan ng pagpapatawad. Ano man ang sitwasyon sa iyong tahanan, layon ng Planong ito na matulungan kang isaayos ang mga relasyon, at mailapit ang iyong buong pamilya sa Dios.
7 Days
How can we find the right attitude for every situation? What is the right attitude? This seven-day Bible Plan finds answers in the life and teachings of Christ. Let these daily encouragements, reflective prayers, and powerful Scriptures form in you the mind of Christ.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas