Dahil sa pagkawasak ng Samaria, iiyak ako at hahagulgol. Maglalakad ako nang nakapaa at nakahubad. Aalulong ako tulad ng asong-gubat at tataghoy akong tulad ng kuwago. Sapagkat ang pagkagiba ng Samaria ay parang sugat na hindi na gagaling, at mangyayari din ito sa Juda hanggang sa Jerusalem na siyang kabisera na lungsod ng aking mga kababayan. Huwag ninyo itong ipamalita sa Gat. Huwag kayong tatangis kahit isang patak man lang. Sa Bet-leafra kayo maglupasay sa abo. Mga mamamayan ng Shafir, bibihagin kayo at dadalhing nakahubad, kaya mapapahiya kayo. Ang mga mamamayan ng Zaanan ay matatakot lumabas sa kanilang bayan. Ang mga taga-Bet-ezel ay hindi rin makakatulong sa inyo dahil sila rin ay umiiyak. Ang mga taga-Marot ay hindi mapakali, naghihintay sila ng saklolo, sapagkat dumating na ang kapahamakang mula sa PANGINOON at umabot na hanggang sa bungad ng Jerusalem.
Basahin Micas 1
Makinig sa Micas 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: Micas 1:8-12
17 Araw
Ang ikalawang liham na ito mula kay Juan ay tumutulong sa isang mapagbigay na babae, at isang lokal na simbahan, na malaman kung paano ipahayag ang pag-ibig sa loob ng mga hangganan ng katotohanan. Araw-araw na paglalakbay sa 2 John habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas