Dahil dito tataghoy ako at tatangis, ako'y aalis na nakayapak at hubad; ako'y uungol na parang asong-gubat at tatangis na gaya ng mga buwitre. Sapagkat ang kanyang mga sugat ay walang lunas; at ito'y dumating sa Juda; ito'y umabot hanggang sa pintuan ng aking bayan, hanggang sa Jerusalem. Huwag ninyo itong sabihin sa Gat, huwag kayong tumangis, sa Bethle-Aphra ay gumulong kayo sa alabok. Dumaan ka, O mamamayan ng Saphir, sa kahubaran at kahihiyan; ang mamamayan ng Zaanan ay hindi lumalabas; ang taghoy ng Bet-esel ay mag-aalis sa iyo ng kanyang dakong kinatatayuan. Sapagkat ang mga mamamayan ng Maroth ay balisang naghihintay ng mabuti, sapagkat ang kasamaan ay bumaba mula sa PANGINOON hanggang sa pintuan ng Jerusalem.
Basahin MIKAS 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MIKAS 1:8-12
17 Araw
Ang ikalawang liham na ito mula kay Juan ay tumutulong sa isang mapagbigay na babae, at isang lokal na simbahan, na malaman kung paano ipahayag ang pag-ibig sa loob ng mga hangganan ng katotohanan. Araw-araw na paglalakbay sa 2 John habang nakikinig ka sa audio study at nagbabasa ng mga piling talata mula sa salita ng Diyos.
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas